Ito ang mensahe ng privileged speech ni Konsehal Christian Niño Lajara sa Sanggunian Panlungsod nitong Lunes. Ang pahayag ng konsehal ay bunsod ng mga intimidasyon at tila mga banta sa kaniyang mga kasamang brodkaster sa programa sa radyo na Sandigan Calambeño matapos nilang kapanayamin sa programa si Dr. Severino Vergara para talakayin ang isinampang kaso hinggil sa isyu ng 26M scam.
Nakiusap si Lajara na huwag “pag-initan” ang kaniyang mga kasama dahil ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang tungkuling ipaalam sa publiko ang mga kaganapan sa ating lungsod bilang mga taga-media at karapatan ng mga Calambeño na malaman ang nangyayari sa kaso ng 26M isyu. Idinagdag din ni Lajara na alang-alang sa balanseng pamamahayag ay sumulat ang kanilang programa sa Tanggapan ng Punung-Lungsod upang bigyan sila ng pagkakataong makatugon sa mga naging mainit na pahayag ni Dr. Vergara at pagkaraan ng isang linggo ay nagpa-unlak naman sila ay makapanayam sa programa sa pamamagitan ng City Legal Counsel Atty. Alonzo.
Matatandaang ang "26M scam" ay ang isyu ng mga nawalang tseke na nagkakalahaga ng 26 milyong piso mula sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Calamba. Kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon ng NBI ang naturang kaso at ang pinakahuling kaganapan ay ang pagsasampa ng walong hiwalay na kaso sa tanggapan ng Ombudsman ng grupo nina Dr. Vergara laban sa Punung Lungsod Mayor Chipeco at 12 iba pang diumano ay sangkot sa katiwalian.
READ MORE...26 Milyong Scam sa Calamba ARTICLES

photo credit: http://zamboangajournal.blogspot.com
Last Updated on Tuesday, 28 September 2010 04:27