Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SESYONISTA: Ang "Hindi Maramdamang" City Legal Office

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

September 20, 2010/SP Session Hall, Calamba City--Ilang linggo rin ang lumipas na wala tayong update sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod. Subalit ngayong nakaraan Lunes, huli man nag-umpisa ay binuksan pa rin sa publiko ang sesyon.

 

Bumungad ang resolusyon ni Kon. Lian Aldabe para sa akreditasyon ng ilang mga grupo at kooperatiba sa ating lungsod. Binasa rin ang resolusyon para sa pagtatalaga ng pangalawang special counsel ni Mayor Jun Chipeco sa pamamagitan ni Kon. Johnny Lazaro. Sa magkahiwalay na resolusyon naman ni. Kon. Lazaro ay itinalaga ang magiging OIC ng Traffic Bureau at ang magiging Head ng Solid Waste Management Department. Ilang mga land conversion resolutions and ordinances naman ang inihain ng Chairman ng City Planning and Zoning Jose Morel Manaig. Dagdag pa rito ang pag-issue ng permit para sa isang pansamantalang slaughter house sa Brgy. Real.

 

Ipinasok naman ni Kon. Moises Morales ang pagpapalagay ng mga streetlights sa mga barangay ng Tulo, Makiling at Turbina. Wala ring mga inihapag na barangay resolutions si ABC President Saturnino lajara subalit maraming sulat ang nakarating sa ating mga konsehal na nagbunga sa iba’t ibang resolusyon, ordinansa at rekomendasyon.

 

Unang binasa ay isang liham na nagmula sa Regional Trial court ng ating lungsod. Sila ay humiling sa ating pununglunsod at mga miyembro ng SP para sa panibagong tatlong aircon sa kanilang court room. Dahil may sakit si Kon. Bong Baroro ay si Kon. Christian Nino Lajara ang nagbasa ng sulat para naman sa aplikasyon ng bagong lisensya sa isang bagong E-Games Station sa ating lungsod. Kasama sa sulat ang pagsigurado na aprubado ng PAGCOR ang nasabing recreational spot. Isang sulat na nagmula naman sa dating Brgy. Secretary Manuel Cosico ng Canlubang ang iniulat ni ABC Pres. Lajara. Ito ay patungkol sa halos P500,000 benepisyo na hindi naibibigay sa kanya. Siya ay nagsilbi ng 15 taon sa nasabing barangay at ngayon ay mayroon nang mga karamdaman na dapat tugunan ng gamot. Ang suhestiyon dito ni ABC Pres. Lajara ay dalhin ang nasabing hinaing agaran sa DILG Office na pinamumunuan ni Rosseler Rizal. Suhestiyon naman ni Kon. Morales na pagsamasamahin na ang lahat ng mga reklamo ng mga dating nagsilbi sa mga barangay upang isang bagsakan na lang at hindi na pauli-uli.

 

Isang ordinansa naman sa pamamagitan ng suspension of the rule ang binasa ni Kon. Morales patungkol sa healthcare service para sa mga empleyado at kawani ng Sanggunian Panlungsod. Dagdag rito ni Konsehal Niño Lajara ay ang pagbibigay ng hazard pay sa mga beterenaryo ng lungsod. Sinabi ni Kon. Ruth Hernandez na magiging maganda kung mapag-usapan ang mismong gagastusin ng lungsod sa programang ito sa pamamagitan ng isang committee hearing.

 

Maganda naman ang binasang committee report at recommendation ni Konsehala Hernandez patungkol sa lumalalang sitwasyon ng dengue sa ating lungsod. Sinabi niyang nakakaalarama ang sobrang pagtaas ng biktima ng dengue, partikular sa mga barangay ng Mapagong, Canlubang at Parian. Nagbanggit siya ng bagong alternatibong panlaban sa dengue stings. Dagdag pa rito ay ang ginagawa ng larvicide o pagpuksa sa mga kiti-kiti at fogging sa ilang mga lugar. Sinabi niya rin mula sa isang sulat ng City Health Office na ang hindi pag-secure ng environmental certificate ng ilang mga establisyemento ay dahilan din kung bakit kalat ang sakit na ito ngayon.

 

Inilatag na rin ni Kon. Niño Lajara para sahuling pagbasa ang prangkisa para sa ginagawang Canlubang Terminal Exchange. Kasama sa nasabing ordinansa na mapapailalim sa regulasyon ng Sangguniang Panlungsod ang nasabing terminal.

 

Mainit naman at makabuluhan ang paggamit ni Kon. Moises Morales sa privilege hour. Binuksan niya ang pagsasawalambahala ng City Legal Officer sa mga importanteng committee hearing ng Sangguniang Panlungsod. Binigay niyang halimbawa ay ang hearing tungkol sa pagguho ng pader sa Brgy. Turbina at ang ipapagawang access road ng Filinvest Coroporation. Sinabi niyang higit na kailangan ng mga legal advise sa mga ganitong usapin. Binanggit niya rin na sayang ang pinapasweldo at mga bonuses, gaya ng gasoline allowance at food allowance, ng mga abogado ng City Legal Office dahil nakaabot sa kanya na madalas ay hindi naman pumapasok ang mga ito. Hirit pa niya na non-functioning na raw marahil ang nasabing opisina dahil mismong ang Mayor Jun CHipeco ay kumuha na ng kanyang mga sariling special legal counsel.

 

Pinangalawahan ito ni Kon. Johnny Lazaro at sinabing nararapat nang magkaroon ng sariling legal consultants ang Sangguniang Panlungsod. Malinaw niya ring idagdag na sa budget na lang niya kuhanin ang mga suweldo sa mga ito kung hindi ito kayang tugunan. Sumang-ayon ang lahat ng konsehal sa panukalang ito, partikular sina Kon. Hernandez at Lajara na sinabing kailangan pa nito ng mga research upang hindi magkaroon ng mga legal na paglabag.

 

Maganda, suwabe at mabilis ang nangyaring sesyon. Ang maganda rito ay nabuksan mismo ng ating mga konsehal ang mismong hinaing nila sa isang departamentong dapat naglilingkod subalit wala nman palang nagagawa. Maraming alternatibo pero hindi maaalis sa isip ng mamamayan na nasasayang ang salaping dapat sana ay napunta na lamang sa proyektong higit na makakatulong sa kanila. Mabuti na rin ang ganito na sila na mismong mga nasa loob ng ating sintang pamahalaan ang nagpupunahan at gumagawa ng paraan. Maganda na ang ganito kaysa hintayin na naman nilang mga mamamayan ang pumuna sa kanila.--Matt Palentinos

 


 

 

Last Updated on Wednesday, 22 September 2010 04:50

Add comment


Security code
Refresh