Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

REAKTIB: REPORMA SA SK, HINDI ABOLISYON!

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

Inaprubahan na ng Kongreso ang pagtuloy sa gaganaping Barangay Elections sa Oktubre 25 nang taong ito. Subalit mainit na pa rin ang debate hanggang ngayon tungkol sa tuluyang pag-abolish sa Sangguniang Kabataan.

Naging mainit ang isyung ito nang naging bukas ang kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ni DILG Secretary Jesse Robredo sa opsyon sa tuluyang pagtanggal ng SK sa barangay. Ito raw ay nagiging dagdag lamang sa gastusin ng pamahalaan. Ang alternatibo na kanilang naiisip ay ang pagtatalaga na lamang ng isang representante ng kabataan sa barangay. Hindi katulad ng kasalukuyang umiiral na mayroon isang buong sanggunian na binubuo ng isang Chairman at pitong kagawad.  Sinasabi rin na sa mga SK officials na rin nag-uumpisa ang kurapsyon sa gobyerno.

Subalit ang naiwan na tanong ay kung ayaw na ba talaga ng kabataan sa SK?

Isa ang malinaw na sigaw ang maririnig. Hindi abolisyon ng programang ito ang magiging susi kundi ang reporma sa kasalukuyan batas na umiiral ukol dito.  Katangi-tangi ang programang ito dahil ang Pilipinas lamang ang mayroon ganitong programa na nagbibigay boses sa kabataan sa loob ng pamahalaan.

Iba’t ibang grupo ng kabataan sa pangunguna ng SK National Federation at Kabataan Partylist ang nauna nang sumalag sa planong ito ng gobyerno.  Iba’t ibang panukala ang inihain ng mga grupong ito gaya ng paglahok ng mga kabataan mula 15-21 taong gulang, di-tulad ng umiiral ngayon na 15-17 taon lamang.

Sinabi ni SK National President Jane Censoria Cajes ang dahilan dito, “We felt that this was a bad move.  Masyadong bata yung mga SK officials, nasa high school pa sila at madaling maimpluwensiyahan ng pulitiko.  Kadalasa’y nagagamit kami ng mga barangay captains at pulitiko kasi may boses kami sa council. We cannot sign contracts because we are minors, so it’s the barangay chairman who does it for us. Pag yung kapitan may gustong pabor, iniipit yung SK at hindi magbibigay ng budget. Kawawang SK walang magawa kundi pumayag na lang...

Dagdag naman ni Kabataan Partylist Raymond Palatino na mawawala ang check and balance sa sektor ng kabataan kung sakaling buwagin ang SK at gawin na lamang na isang representante. Hiniling na rin na gamitin ang youth resources ng SK para labanan ang laganap na kurapsyon ngayon ng mga tradisyonal na pulitiko.

Nagiging madumi ang tingin sa SK ng isang baranggay kung walang ginagawa ang mga opisyal nito. Sinasabi rin na sport activities lamang daw ang kayang gawin ng SK. Subalit nailista na rin ang kontribusyon ng ilang sangay ng SK na gumawa ng kasaysayan sa iba’t ibang lugar sa bansa.  Halimbawa na rito ang P500, 000 educational assistance ng Paranaque, 10 health centers ng Bohol at multi-cab trucks ng Lucena na proyekto lahat ng mga kabataan para sa mamamayan.

Kurapsyon at maduming pamamahala ang tinuturong dahilan ng gobyerno para tuluyang i-abolish ang SK subalit hindi dapat ito isisi ng gobyerno sa kabataan.  Hindi ang kabataan ang sumira sa magandang sistemang ito kundi ang mismong sistema ang sumisira sa kabataan.

Nawa’y marinig ng mga nasa pamahalaan ang tunay na boses ng kabataan. Hindi abolisyon ng SK ang nasa isip nila kundi reporma at pagpapalakas sa tulay na nagsisilbing boses nila sa ating pamahalaan.--Matt Palentinos

 


 

Comments  

 
0#2#2ariel2010-10-19 02:46
tama ang sinabi ni mitch na dpat hndi ma alis ang sk sa isang brgy..dhil iyun ang katulong pra mpa gnda ang isang brgy,,kya nman hndi nkkatulong ang ibang sk,dahil hndi tlga sla disidido sa pag upo nla at inuuna nla ang sarili nla hndi ang kpakanan ng nkakarami O ng knilng brgy ..kng tutuusin lng di dpat alisin ang sk sa brgy. ..svi nga po ng pambansang bayani ntn na si Dr.Jose Rizal "ang kabataan ang pag asa ng bayan"!!!
Quote
 
 
+1#1mitch2010-09-30 02:57
siguro nga tama ang SK national president na masyadong bata pa ang edad na pedeng tumakbo sa sk ngayon.Hindi ba pede na 16-20 or above as long as..not married.para atlis my karapatan na silang magcomplain.at ang panget naman na tanggalin ang sk election, ayon nga sa ating pambansang bayani nasa kabataan ang pag asa ng bayan,siguro kaya ganon lang, baka yung mga napili sk pres. or chairman is not totally rsponsible on their task.kaya dapat my screening muna nago lumaban,kase sa ngayon napupuna ko lang, mananalo ka pag madami kang kaibigan,although hindi ka naman ganon,ka qualified di ba?pansin ko lang naman yun.at dba dapat yung sk chairman at brgy. chairman is tulong para mapaganda ang kanilang nasasakupan.pero parang hindi ganon yung nangyayari eh, at gaganda lang naman ang 1 brgy.kung my unity ang bawat mamamayan na nakatira dito..tama?
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh