Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MGA TAGA RILES, NANGANGAMBA SA NAPIPINTONG PAGPAPA-ALIS SA KANILA NG PNR

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Nangangamba ang mahigit sa  300 pamilyang nakatira sa tabi ng riles dahil sa napipintong pagpapaalis sa kanila ng Philippine National Railways (PNR).  Inaasahang sa darating na buwan ng Disyembre ay uumpisahan na ang renobasyon ng daang-bakal sa dako ng lungsod ng Calamba.  Ang mga pamilyang ito ay hindi nakabilang sa mga bibigyan ng pabahay sa relocation site sa Barangay Kay-Anlog dahil tanging ang mga nakatirik lamang mula taong 2003 pababa ang mapapasama dito.  Sa kasalukuyan, diumano ay walang malinaw na programa ang lokal na pamahalaan para matulungan ang mga taong ito na inaasahang mawawalan ng tahanan sa panahon ng kapaskuhan.

 

Bagamat mayroon ng relokasyon para sa mga taga riles (na nakatirik na sa lugar mula taong 2003 pababa) sa barangay Kay-Anlog, may mga grupo na hindi sang-ayon na lumipat dito dahil sa kawalan diumano ng mapagkakakitaan, dagdag pa rito ang isyu ng kaligtasan dahil sa pagguho ng mga bahay sa relocation site noong nakaraang bagyong "basyang".  Sa ginawang pakikipagusap sa punong lungsod ng may labing-isang samahang kumakatawan sa bahaging ito ng mga taga riles, ay ipinangako ni Kgg. Mayor Jun Chipeco ang kanyang pagsuporta sa kanilang kahilingan sa pamamagitan ng paglalaan ng isang milyong piso pondo para sa lupang paglilipatan sa kanila.  Hinihiling din ng mga taga riles na maglabas ng sertipikasyon ang punong lungsod na ligtas lipatan at tirahan ang mga bahay sa Barangay Kay-Anlog.

 

Related Article:



 

 

 

 

 

Add comment


Security code
Refresh