Sa kasong inihain sa Tanggapan ng Ombudsman nitong ika-31 ng Agosto 2010 ay pormal na kinasuhan ang labintatlong sangkot sa tinaguriang "26M Scam sa Calamba" o ang isyu ng mga tsekeng umabot sa halagang 26 milyong pisong mula General Fund at Special Education Fund, na nailabas mula sa PNB Calamba Branch sa kabila ng kawalan ng kaukulang dokumentong nagpapatunay na balido ang transaksyon. Ang mga kinasuhan ay ang mga sumusunod:
10. Claudia Espiritu—Assistant Manager, PNB Calamba Branch
11. Reynaldo Gabad—Signature Verifier, PNB Calamba Branch
12. Consolacion Fabros—Teller, PNB Calamba Branch
13. Concepcion Abarca—Proprietor/representative of Alvin Aquino Enterprises, Austrel Checm Trading and Dylan Benjamin Trading
Ang mga nabanggit ay kinasuhan ng (a) malversation punished under Article 217 of the Revised Penal Code, (b) falsification punished under Article 171 of the Revised Penal Code, (c) violation of section 3e of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), and (d) violation of any other law or executive issuances as may be found by the Office of the Ombudsman.
Ang mga complainants na pinangungunahan ni Dr. Severino Vergara, Josefino Melgar (President, Federation Senior Citizens), Mark Rigor Jaurigue (SK Chairman-Palo Alto) ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa bagal ng imbestigasyon sa naturang katiwalian. Ayon kay Dr. Vergara, buwan pa ng Enero ng maganap ang pagnanakaw subalit Abril pa ng ito ay matuklasan, at sa kasalukuyan matapos na naman ang apat na buwan ay wala pa ring malinaw na resulta ang imbestigasyon. Wala pa ring nasususpinde o nananagot sa pagnanakaw na ito sa kaban ng bayan. Nanawagan din si Vergara sa mga kapwa Calambeño na huwag manahimik at hayaang walang managot sa kasong ito, makiaalam lalo na ang mga kabataan.
Related Articles:

Last Updated on Monday, 06 September 2010 11:19