August 31, 2010/ Calamba City--Sa pangunguna ni Dr. Vergara, kasama ng ilang mga concern citizens mula sa sector ng kabataan at Federation of Senior Citizens of Calamba, naghain ng mga kasong graft at malversation of public funds laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba dahil sa pagkawala ng 26 milyong pisong halaga ng mga tsekeng ninakaw mula sa kaban ng lungsod.
Matatandaang buwan ng Abril ay pumutok ang isyu ng pagkawala ng nasabing pondo na nailabas mula sa banko sa pamamagitan lamang "Accountants Advice". Umabot pa ng apat na buwan bago ito napag-alaman ng Treasury Office. Sa pagsisiyasat ng Commission on Audit ay napag-alaman na hindi dumaan sa tamang proseso ang mga transaksyon at nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga kawaning dapat mag-ingat sa mga tseke. Ayon naman sa City Prosecution Office, maaaring nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan. Limang buwan na ang nakakalipas, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang mga Calambeño sa kahihinatnan ng kaso.
Ang mga sinampahan ng kaso ay ang mayor (J. Chipeco Jr.), dating vice-mayor (P.Oruga), city accountant (C. Espiridion), ilang kawani ng accounting office, PNB at ang mga suppliers.

Related Articles:

Last Updated on Wednesday, 01 September 2010 07:30
Comments
May mangyayari ba? kelan mananagot yung mga nagnakaw? kaya ba banggain ng mga maliliit na opisyal ng munisipyo ang mga higanteng mga nakaupo o mauuwi na lang sa wala ang lahat.
RSS feed for comments to this post