Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

"SANDIGAN CALAMBEÑO" sa RadyoNatin, Mapapakinggan na sa 106.3FM

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Simula ika-22 ng Agosto ay mapapakinggan na ang programa sa Radyo na "SANDIGAN CALAMBEÑO" sa bagong frequency na 106.3 Mhz.  Mula sa dati nitong frequency na 95.9 Mhz ay naging 106.3 Mhz na ang bagong Radyo Natin Laguna.  Dahil dito ay inaasahang lalong lalakas ang signal na mas makakarating sa pinakasulok na panig ng lalawigan ng Laguna at maging sa mga karatig probinsya.

 

Ang  "SANDIGAN CALAMBEÑO" ay programang pang-radyo na tumatalakay sa mga napapanahong isyung politikal at sosyal sa loob ng lungsod ng Calamba.  Ito ay mapapakinggan tuwing araw ng Miyerkules at Biyernes sa ganap na ika-10 ng umaga, hosted ni City Councilor Christian Niño S. Lajara, kasama ang mga broadcaster na sina Lloyd Anjail at Joman Villena.  Mapapanood din sa internet sa pamamagitan ng live video streaming sa link na ito :  http://www.ustream.tv/channel/rn959fm-laguna 

 


 

Add comment


Security code
Refresh