Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SESYONISTA: Katahimikan at Pagpupugay

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

SESYONISTA: Katahimikan at Pagpupugay 

August 23, 2010/Sanggunian Panlungsod, Calamba City --Tahimik at walang masyadong pagtatalo ang naganap sa sesyon nitong Lunes ng ating Sangguniang Panlungsod.  Mula nang buksan ang bagong SP ay ngayon ko lamang tila wala gaanong diskusyon sa pagitan ng mga konsehal.  Ang maririnig ay pulos pagsang-ayon sa bawat isa na hindi katulad nang nangyari noong nakaraang linggo.

 

Iba’t ibang Memorandum of Agreement ang inihapag bilang resolusyon ng ating mga konsehal ng lungsod na sila Konsehal Ruth Mariano-Hernandez, Kon. Eddie Catindig at Kon. Santy Atienza.  Binuksan na rin ni konsehal Moises Morales ang usapin tungkol sa pagpapatayo ng Calamba City Central Coliseum, na magiging sentrong palaruan ng mga atletang Calambeño.  Nilapag na rin sa pangalawang pagbasa ang mga resolusyon ni Kon. Johnny Lazaro tungkol sa mga appointments ng tauhan ng ating mayor para sa iba’t ibang departamento.

 

Mahalagang ordinansa rin ang ipinasa sa unang pagbasa ni Konsehal Bong Baroro, co-authored nila Kon. Morel Manaig at ABC President Saturnino Lajara. Ito ay tungkol sa pagtatanim ng mga estudyante sa lungsod ng Calamba sa kani-kanilang mga paaralan.  Ito ay direktang makakatulong sa pagpapaganda ng ating kalikasan at mabibigyan rin ang mga kabataang Calambeño na mamulat nang maaga sa pagtulong sa inang-kalikasan.  Nagpasa rin ng ordinansa si Kon. Santy Atienza tungkol sa Livelihood and Cooperative Program ng lungsod.

 

May mga barangay resolutions rin na binasa si ABC Pres. Lajara na nagmula sa Brgy. Lamesa at Brgy. Bagong Kalsada.  Maganda ang ipinasa nang Sangguniang barangay ng Lamesa na patungkol sa paghingi ng kopya ng Real Property Tax ng kanilang barangay sa ating City Assessor’s Office. Ito ay sa dahilang kinukuha sa Real Property Tax ang kalakhan ng budget ng isang barangay.  Ang resolusyong ito ay makakatulong para sa pagpaplano ng mga proyekto at pagbabadyet sa mga barangay.  Binigyang pansin din ni ABC Pres. Lajara ang matagal nang nabinbin na pagpapatayo ng court sa Brgy. Turbina.

 

Marami ring resolusyon ang binasa ni ABC President Turne Lajara,  partikular ang nagmula sa Kapulungan ng Liga ng mga Baranggay.  Ang pagtalakay tungkol sa pagbibigay ng P500 monthly allowance sa Lupong Tagapamayapa at pagdadagdag sa suweldo ng mga barangay tanod ang hiniling ng ating mga kapitan sa ating Sangguniang Panglunsod.  Nagbasa rin ng dalawang barangay resolution si Kon. Hernandez na parehong nagmula sa Liga ng mga Barangay.  Una rito ay ang pagbibigay ng libreng bakuna sa lahat ng frontliners ng barangay, kabilang ang SB, Barangay Health Workers, Lupong Tagapamayapa at Baranggay Tanod.  Ang huli naman ay ang kahilingan ng mga barangay na ibigay ng ating pununglunsod  ang pondo para makabili ng mga syringe at vaccine ang bawat barangay.  Ito ay upang masigurado ang kalusugan ng mga kababayan natin dito sa Calamba.

 

Si Kon. Morales ang nagbukas patungkol sa pagpanaw ng dating ABC President Diosdado J. Lajara, kapatid ng Vice Mayor Binoy Lajara.  Inilahad niya ang panahong ginugol ng yumaong kasamahan bago ipasa ang isang resolusyon ng pagkilala, pagpupugay at pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na dating miyembro ng Sangguniang Panlungsod. Malugod naman itong tinanggap ng Presiding Officer Severino Lajara.

 

Sumunod na nagsalita si Konsehala Lian Aldabe nang basahin niya ang isang DILG Circular Memo. Unang beses kong marinig ang tinig ng konsehal nating ito sa loob ng sesyon. Matapos basahin ang ilang bahagi ng nasabing Memo ay ipinasa niya bilang resolusyon ang accreditation ng Pamahalaang Panlungsod sa mga people’s organization at mga NGOs. Si Konsehal Christian Niño Lajara ang nagbasa ng isang liham mula sa mga job order workers ng City Government of Calamba.  Inilahad ng mga JO workers ang paghiling para ibigay ang dalawang buwang suweldo at midyear bonus na pawang hindi naibigay.  May lagda ng mahigit 80 JO workers ang nasabing liham.  Isang  en banc meeting ang hiniling ni Kon. Lajara para tugunan ang nasabing problema. Binuksan din ni Kon. Hernandez ang nangyaring pagbawas ng suweldo ng mga JO workers noong nakaraang buwan. Dito niya nilinaw na sa susunod na araw ng suweldo ay ibabalik na sa P6000 ang sahod mula sa P5000.  Ito ay naging resulta ng pag-uusap ng komite ng nasabing konsehal.  Binanggit niya rin na maaaring itaas pa ang suweldo ng mga JO workers sa susunod na taon sa pamamagitan ng isang resolusyon mula kay Kon. Moises Morales.  Habol rin ni Kon. Santy Atienza ang suweldo at overtime pay para sa mga opisyal na driver ng bawat konsehal.  Mukhang magiging maligaya ang mga empleyado ng ating city hall sa mabuting balitang ito.

 

Binigyang pansin din ni Kon. Morales ang pagtatayo ng isang Special Legal Council ng SP upang tugunan ang mga usaping legal sa mga pinapasang resolusyon at ordinansa. Ito ay sa dahilang hindi madalas makaharap ang mga abogado mula sa City Legal Office kapag may mga committee hearing at meeting. Sinabi ni Kon. Lajara na ipasa na agad ito bilang resolusyon dahil lubos talagang kailangan ito ng buong SP.  Ibinalita rin ni Kon. Niño Lajara sa kanyang committee report na isang SM HYPERMART lamang at hindi SM City ang napagkasunduang itayo ng nasabing pribadong kompanya batay sa ginawang meeting ng Committee on Franchise.

 

Naging maganda ang takbo ng pag-uusap sa sesyon ngayong linggong ito. Sana naman magtuluy-tuloy ito hanggang sa mga susunod na linggo. Sana matigil muna ang girian at pamumulitika. Kailangan ng bayan ay pagtulong at pagkalinga.--Matt Palentinos

 


 

Add comment


Security code
Refresh