Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAGGAMIT NG PLASTIC BAGS AT STYROFOAM SA CALAMBA IPAGBABAWAL

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

Isang ordinansa ang ipinasa sa Sanggunian Panlungsod na magbabawal sa paggamit at pagbebenta ng plastic bags at styrofoam bilang packaging material sa lungsod ng Calamba.  Ito ay batay sa layuning masolusyonan ang suliran sa basura na pangunahing sanhi ng pagbaha. Dahil ang mga plastic bags at ang styrofoam ay non-biodegradable o hindi natutunaw, ito ay nagbabara sa mga kanal, ilog at iba pang daanan ng tubig.


Partikular na ipinagbabawal sa mga establisimiyento sa Calamba ang paggamit ng mga plastic bags bilang packaging material para sa dry goods at ang pagre-regulate naman nito kung ang gamit ay para sa mga wet goods.  Samantalang ang paggamit ng styrofoam naman bilang packaging material o container ay ipagbabawal.  Maging ang pagbebenta ng mga ito bilang packaging materialay ipagbabawal din.  Ang mga business establishments na mapapatunayang lalabag dito ay papatawan ng kaukulang multa.

  • First Offense: Php 1,000 penalty
  • Second Offence: Php 3,000 penalty
  • Third Offense: Php 5,000 and suspension of business operation


Inaatasan naman ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na mag-monitor ng tamang implementasyon ng naturang ordinansa sa oras na ito ay ipatutupad na.


 

 


 




 

Last Updated on Monday, 23 August 2010 08:39

Comments  

 
0#5ed guese2011-05-20 15:36
isang malaking negosyo ang paggawa ng plastic at styrofoam, kaya't ang pagbawal sa paggamit ng mga bagay na ito ay isang malaking suntok sa buwan kung talagang maipatutupad. Hanggat nandyan ang mga negosyong gumagawa ng plastic at styro, patuloy at patuloy na magiging problema ang mga basurang gayang nito.

Hindi ba ipinagbabawal rin ang pagbebenta ng mga firecrackers sa Calamba, pero pagsapit ng bagong taon, halos lahat ng mga bahay sa Calamba e ma paputok. Itigil ang supply para walang demand.
Quote
 
 
0#4prEa2011-03-01 04:21
:lol: sana nga matupad yan????
depende nlng yan sa mga tao kung responsable talaga sila... :-)

haysssss :zzz
Quote
 
 
0#3Helen Lising2010-11-05 10:54
Hi, everybody!
Our company Greenpak Enterprises produce biodegradable packaging
materials. We produce paper cups and paper packaging materials. We produce customized designs for paper cups for as low as 10,000 pcs.. We also sell generic designs WITHOUT minimum quantity.
Please visit our showroom at 145 B Congressional Ave. Quezon City or [censored] may inquire at (02) 426-9379 and (02) 455-7456.
We cater to small businesses. food kiosks, food cart owners, as well as restaurants.
Thank [censored].
Quote
 
 
0#2Jimel2010-10-01 03:15
wen kya matutupad yan? ipatupad ang ordinansa na yan... cant wait
Quote
 
 
0#1caii2010-08-27 11:34
:-* weh??? d nga?? as if naman matutupad yun.. e pano nmn mga ng tetake out sa mga fast foods?? abberr??
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh