Ang Calamba City Social Services and Youth Development Office (CCSSYDO) ay naglunsad ng serye ng Disaster Preparedness and Management Seminar at Disaster Risk Reduction Management Workshop para sa lahat ng mga barangay na nasa baybay lawa at tabihan ng ilog. Ang naturang seminar na nagpasimula pa noong buwan ng Hulyo 2010 at inaasahang magtatapos sa Setyembre 2010.
Layunin ng proyektong ito na makapagbuo ng isang structured rescue program o guidelines para sa mga rescue personnel sa panahon ng kalamidad o sakuna, makapagbalangkas ng disaster preparedness progam, at maitaas ang antas ng kaalaman at karunungan ng mga Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC).
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga BDCC personnel ng bawat coastal barangay. Hinati sa mga batches ang pagsasanay na nagpasimula sa walong barangay, bilang unang batch kabilang ang mga Barangay Masili at Sucol. Ang ikalawang batch naman ay ang mga Barangay Palingon,Sampiruhan, Lingga, samantalang ang mga Barangay Uwisan, Lecheria at Looc naman ay nasa ikatlong batch.
Para sa buwan ng Agosto, ang sumusunod ay ang schedule ng training ng iba pang mga Barangay:
Agosto 24-25--Barangay Halang, Bucal, Pansol
Setyembre 7-8--Barangay Uno, Barangay Dos at Kwatro.
Setyembre 14-15--Barangay Mapagong, Mayapa at Paciano
Setyembre 21-22--Barangay Banlic, San Cristobal at Parian
Seteyembre 28-29--Barangay Banadero, San Juan at Sais
Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa nasabing pagsasanay ay ang Key Concept in Disaster Risk Reduction, Environmental Scanning, Film Showing on Climate Change, Community Assessment on Disaster Preparedness, Overview of Disaster Management at First Aid Techniques.
Nasa apat na raan at walongpung kinatawan ng Barangay Disaster Coordinating Council mula sa dalawangput at apat na Barangay ang inaasahang makapagtatapos ng pagsasanay.
Ang seminar/workshop na ito ay batay sa Republic Act-101211, An Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System, providing for the National Disaster Risk Reduction and Management Framework and Institutionalizing the National Disaster Risk Reduction and Management Plan. --lloydmanjailjr.
