August 13, 2010/Calamba City Hall--Ang City Human Resource Management Office(CHRMO) sa pangunguna ni Gng. Maxima Satuito ay nagsagawa ng isang Employee Orientation na dinaluhan mahigit sa sa isang daang kawani ng City Hall. Pangunahin sa layon ng programang ito na maipabatid sa mga kinauukulan ang mga Internal Policies and Guidelines na dapat pagpasakupan ng mga empleyado at ang kanilang mga responsibilidad. Kabilang sa mga dumalo ang Regular, Co-Terminus at Job Order Employees. Ang lecture ay tumagal ng isang buong araw na kinaloobang ng mga paksa tungkol sa working hours, field work, office decorum, dress code, career and personnel development, personnel relations, personnel discipline.
Binuksan din sa programa ang oras para sa isang Open Forum para sa mga katanungan at mga suhestiyon ng mga dumalo. Halos mga problema ng job order employees ang naging tema ng tanungan sa open forum. May nagtanong kung may pag-asa pa bang maibigay ng lokal na pamahalaan ang kanilang sweldo noong buwan ng Mayo at Hunyo, pati ang kanilang mid-year bonus. Subalit isang tanong din ang itinugon ng CHRMO, "May budget kaya?". Mayroon ding nagtanong hinggil sa pagbaba ng buwanang sweldo ng mga job order employees, mula sa tinatanggap nilang anim ba libo at magiging limang libo na lamang ito simula ng kasalukuyang buwan. Sa huli ay hindi rin naging malinaw ang sagot ng CHRMO.--R. Alicbusan
