PAGPAPA-ILAW SA MGA UPLAND BARANGAYS NG CALAMBA
Bahagi ng mga infrastructure projects sa lungsod ng Calamba ay ang panukalang paglalagay ng mga street lights sa mga upland barangays (Lawa, Prinsa, Barandal, Punta, Bubuyan, Bunggo, Burol, Laguerta, Palo-Alto, Hurnalan, Kay-Anlog, Ulango, majada, Canlubang, Mabato). Sa huling pagpupulong ng Committee on Public Works, napag-alaman na malaking pondo ang kakailanganin upang maisagawa ang magtatatag ng halos isang daan at limampung posteng pailaw sa mga naturang barangay. Mangangailangan ng kulang sampung milyong piso batay sa halaga ng bawat poste na animnapu at limang libong piso, ayon sa Engineering Department. Ayon sa komite ay masyadong malaki ang naturang halaga kung kaya't ang inirekomenda na lamang upang maisakatuparan ang pagpapa-ilaw ay ang pagsasa-ayos ng mga existing street lights ng Meralco na hindi na gumagana. Inatasan ng komite ang Engineering Department na maglabas ng isang ulat hinggil dito.

Comments
RSS feed for comments to this post