May posibilidad na hindi na tatanggap ng Job Order(JO) Workers ang Pamahalaang Panglungsod kung sakaling maaprubahan ang isang resolusyong magtatanggal nito at papalitan ng mga Casual Workers.
Sa isang panayam kay Vice Mayor Binoy Lajara, sinabi nito na kailangang ang mga kawani ay maging produktibo at maging abala sa kanilang mga tungkulin. Ang Job Order workers na nagtatrabaho sa City Hall ay kasama sa pagbibigay serbisyo publiko sa Calamba subalit hindi saklaw ng mga benipisyo bilang kawani dahil Job Order lamang sila. Hindi sila saklaw ng Civil Service Law dahil bilang JO sila ay lumalabas na contractual lamang, nagkaroon ng pangangailangan kaya sila natanggap sa trabaho at ang mga terms of employment nila ay base sa kontrata sa pagitan nila at ng lokal na pamahalaan.
Ayon pa sa Vice Mayor, mahalaga ang panukalang gawing Casual Workers ang mga Job Order Workers. Sa ganitong paraan ay makakakuha sila ng mga benepisyo at malaking pagkakataong maging permanente.
Matatandaan na may mahigit sa limang daang Job Order Workers ang hindi pinasahod ng buwan ng Mayo at Hunyo kapalit ng kanilang serbisyo, gayon din ang kanilang inaaasahang mid-year bonus ay hindi rin ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan.--Lloyd Anjail
picture credit: barangayrp.wordpress.com
Related Article:
| DELAYED NA PAGPAPASAHOD SA CITY HALL NG CALAMBA, INIREKLAMO |
Last Updated on Sunday, 15 August 2010 11:35
Comments
Grabe naman pala sa Calamba!!! Di nagpapasahod!!! makunsensya naman sana mayor nyo!
RSS feed for comments to this post