Sa liham ng mga Private Secretary(PS) sa Sanggunian Panlungsod ay idinaing nila ang madalas na pagkaantala ng kanilang sweldo na may mga pagkakataon na umaabot ng isang buwan ang delay kung kaya't nababaon sila sa pagkakautang para masapatan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Nauna nilang inilapit ang problema sa Committee on Appropriations subalit sila ay nabigo. Nakipag-ugnayan na rin ang grupo sa Human Resource and Management Office (HRMO) upang alamin kung ano ang sanhi ng pagkaantala. Natuklasan nila na wala namang nagiging problema sa paper works ng kanilang payroll sa HRMO maging sa COA. Mayroon lamang dalawangpu at apat ang bilang ng PS sa City Hall kung kaya't nakapagtataka na magkaroon ng ganitong problema. Ayon sa isa sa mga PS, maaaring ang pagkukulang ay sa panig ng mga Cashier ng City Hall dahil nagsimula lamang diumano ang pagkaantala ng kanilang pasahod noong nagkaroon ng pagpapalitan ng Cashier.
Inatasan ng Presiding Office Vice Mayor Binoy Lajara ang Komite ng Plantilya sa pangunguna ni Konsehal Johnny Lazaro na kaagad magpatawag ng isang pagpupulong upang masolusyunan ang naturang isyu.
