Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SM CITY CALAMBA, KINUWESTIYON ANG KAWALAN NG PRANGKISA

  • PDF
User Rating: / 6
PoorBest 

 

 


 

Sa Sesyon sa Sanggunian Panlungsod nitong ika-9 ng Agosto ay ipinahayag ng Committee on Franchise, Transportation and Utilities Chairman Christian Niño Lajara.ang hindi pagkuha ng prangkisa ng SM City Calamba mula sa lokal na pamahalaan.  Ipinahayag ni Lajara na sa mga naganap na pag-uusap kasama angSM management ay malinaw na ang itatayo sa Calamba ay SM Hypermarketlamang, subalit sa kasalukuyan ay isang malakingmall na ang itinayo ng SM. Sinabi niyang maaaring labagin nito ang City Franchise Ordinance. Ang Franchise Ordinance ay sumasakop hindi lamang sa mga tricycle, kundi pati sa mga terminals, public markets at shopping malls. Layon ng ordinansa na maisaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang anomang itatayong establisimiyentong pang publiko ay naaayon sa katanggap-tanggap na pamantayan ng kalinisan, kaayusan at kaligtasan.  Dagdag pa rito ang pagbibigay ng prayoridad sa mga Calambenyo pagdating sa pagtanggap ng mga empleyado at ang masusing pag-aaral ng epekto nito sa daloy ng trapiko.  

Upang maresolba agad ang isyu ay inatasan ng Presiding Officer Vice Mayor Binoy Lajara na magpatawag ng isang pagpupulong ang komite kasama ang SMManagement sa lalong madaling panahon.

 


 

Comments  

 
+2#2verum2010-08-15 10:08
8)
bat nga ba sa crossing itinayo ang sm? sobrang traffic na nga noong wala ba lalo na pag nabuksan na yan!
Quote
 
 
+1#1Resty2010-08-15 07:59
Tama po kayo, mas mabuti pong pagtuunan natin ng pansin ang mas matinding pagdating o paglala ng trapiko sa ating bayan.Inaasahan po namin 'yan. salamat po and GOD bless us all.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh