Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ANG BAGONG MUKHA NG CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 
MAYOR JOAQUIN “JUN” CHIPECO JR.
Muli niyang naipanalo ang huli niyang termino laban sa kanyang pinakamalapit na katunggaling si dating Vice Mayor Pursing Oruga nitong nakaraan eleksyon. Sinasabing malaki ang naitulong niya sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon, kalusugan at mga imprastraktura. Sa panunungkulan niya rin napili ang lungsod bilang Regional Development Centersa CALABARZON Region. Sa panahon din niya nabuksan ang City College of Calamba. Siya ay pangalawang salin ng pamilya Chipeco sa pulitika. Inaakusahan din siya sa ilang isyu ng kurapsyon sa loob ng pamahalaan bagamat wala pang pormal na reklamo laban sa kanya.
VICE-MAYOR SEVERINO “BINOY” LAJARA
Siya ang unang alkalde ng Lungsod ng Calamba. Siya ang tinaguriang “Ama ng Calamba” dahil dito at dahil sa mabilis nitong tugon sa mga nangangailangan nating kababayan, maging noong panahon na wala siya sa panunungkulan. Siya ang masasabing malakas ang dating at malapit sa masa at mahihirap. Siya rin ang nagpatayo ng ating bagong city hall. Pinukulan siya ng mga batikos ng kurapsyon ukol sa pagpapagawa ng nasabing city hall subalit na-dismiss na ito. Inaasahang gagamitin niya ang mahaba niyang karanasan sa paghawak ng ating lungsod ngayong siya ay nagbalik na sa panunungkulan.
KONSEHAL RUTH MARIANO-HERNANDEZ
Malakas ang naging dating niya nitong nakaraang halalan dahil sa kanyang karisma. Hinawakan niya ang Komite ng Edukasyon at ilan pang importanteng komite noong nakaraang Sangguniang Panlungsod. Isa sa nagbukas sa isyu ng relokasyon sa tabing riles ng ating siyudad. Isa rin siya sa pinakaaktibong konsehal sa mga sesyon. Kakikitaan ng pagtindig sa ilang isyu subalit hindi consistent na maituturing. Halimbawa na lang ay ang pagtutol din niya sa moratorium ng Canlubang. Asawa rin siya ng natalong gubernatorial candidate Former Vice Governor Ramil Hernandez.
KONSEHAL LIAN PECHO-ALDABE
Isa sa mga bata sa loob ng Sangguniang Panlungsod. Isa rin siya sa mga konsehal na dating naging Chairman ng Sangguniang Kabataan. Naniniwala sa mabuting pamamahala ang magandang konsehalng ito. Bilang tagapangulo ng Committee on Public Affairs and Information, siya ang nagsimula ng Gawad Parangal sa Sampung Natatanging Calambeño at saludo siya sa galing ng Calambeño. Mapapansing hindi siya aktibo pagdating sa talakayan ng isyu sa mga sesyon ng Sangguniang Panlungsod.
KONSEHAL EDGARDO “EDDIE” CATINDIG
Isa mga nagbabalik Konsehal sa Sangguniang Panlungsod. Nakilala sa kanyang proyektong “Libreng Kabaong”. Matatandaan noong 2001, siya ang nangunang manindigan laban sa nagaganap na kurapsyon sa Calamba Water District. Si Ka Eddie ay medyo matanda na sa kasalukuyan at mayroon na ding iniinda na sakit sa puso.
KONSEHAL MOISES ENDOZO-MORALES
Nangunang konsehal noong halalan ng 2004. Isa siyang Mechanical Engineer. Nauna siyang nakilala sa pagnenegosyo bago sa pulitika.  Bumuo siya ng paksyon noong 2007 nang tumakbo siyang alkalde ng lungsod laban sa nakatiket niya naman ngayong eleksyon na si Mayor Jun Chipeco.
KONSEHAL LUIS VERGEL “BONG” BARORO
Dating kapitan ng isang barangay bago mahalal noong 2007 bilang konsehal.  Siya ang nag-sponsor para magkaroon ng septage and sewerage management ang Calamba. Makikitang may malayang pasya subalit nakapaloob din sa Liberal Party faction na lumaban sa partido ng kasalukuyang mayor nitong nakaraang eleksyon.
KONSEHAL CHRISTIAN NIÑO LAJARA
Pangunahin siyang tagapagtaguyod ng laban sa lupain ng Canlubang at sa kurapsyong nagaganap sa loob ng ating Pamahalaang Panlungsod. Matagal na rin siyang naninilbihan sa taumbayan bilang SK Federation President ng Calamba bago mahalal nitong 2007 bilang konsehal. Kilala sa pagiging masipag at matapang sa loob ng Sangguniang Panlungsod. Pinataas niya ang budget ng kooperatiba at pangkabuhayan para ngayong taon.  Madalas lamang siyang naikukumpara sa kanyang ama at kasalukuyang Vice-Mayor Binoy Lajara.
KONSEHAL PEEWEE PLATON-PEREZ
Siya lamang ang tunay na bagito sa bagong Sangguniang Panlungsod. Nagtapos ng kursong patungkol sa pagnenegosyo sa isang kilalang unibersidad. Kilala siya bilang tagapamahala ng kanilang negosyo na isang grocery sa bayan ng Calamba. Sinasabing kaya niya rin paunlarin ang pagnenegosyo at industriya sa Calamba gaya ng pag-unlad ng negosyong hinawakan niya. Wala pa siyang karanasan tungkol sa pulitika at hindi pa siya ganoong nakakasabay sa bagong hamong ito sa buhay niya.
KONSEHAL JOSE MOREL MANAIG
Pangalawang termino rin ng konsehal nating ito. Habang siya ang tagapangulo ng Committee on Market and Slaughter House ay nabuo ang bagong palengke ng Calamba na nakatayo sa Poblacion. Siya rin ang nagpropose ng bagong charter tungol sa palengke. Isa rin siyang negosyante.  Siya ay kasama rin sa Liberal Party faction na lumaban kay Mayor Jun Chipeco. Masasabi nating hindi rin siya naging consistent sa pagtindig sa mga isyung kinahaharap ng lungsod gaya ng lupa at kurapsyon.
KONSEHAL JUAN “JOHNNY” LAZARO
Kabilang rin siya sa mga kosnehal nating naging bahagi ng Liga ng mga Baranggay. Kilalang madaling lapitan at makamasa. Nanilbihan na rin ang ating konsehal na ito bilang konsehal noong taong 2004-2007 bago matalo sa kanyang re-election bid nang sumanib siya sa paksyon ni Kon. Morales noong 2007. Kasama siya sa Grupo Nacionalista na walang binitbit na alkalde noong nakaraang eleksyon. Bukas siya sa mga pagbabago sa loob ng lungsod. Wala ring malinaw na katayuan sa loob ng konseho dahil nakasama rin niya sa partido ang anak ng ating punung-lunsod.
KONSEHAL SANTIAGO “SANTY” ATIENZA
Isa rin siyang dating konsehal at kapitan gaya ni Konsehal Lazaro. Pareho sila ng naging kapalaran na makabalik sa Sangguniang Panlungsod. Kilala siya sa pagiging pinuno ng isa sa malaking barangay ng Calamba, kung saan asawa niya na ngayon ang punong barangay doon.  Masasabing kasama siya sa bloc ni Kon. Morales sa kasalukuyang konseho dahil sa kanilang samahan. Siya ngayon ang namumuno ng Committee on Cooperatives and Livelihood.
Sila ang bagong mukha ng ating Pamahalaang Panlungsod. May iba’t-ibang perspektiba at katayuan sa buhay, may sari-sariling diskarte sa mga laban at isyu, at may kanya-kanyang hangarin. Ang hamon lang naman sa mga bagong halal nating opisyales, paglingkuran niyo ang sambayanan. Putulin ang linya ng tradisyonal na pulitika para sa ikauunlad ng mamamayan.

 

MAYOR JOAQUIN “JUN” CHIPECO JR.

Muli niyang naipanalo ang huli niyang termino laban sa kanyang pinakamalapit na katunggaling si dating Vice Mayor Pursing Oruga nitong nakaraan eleksyon. Sinasabing malaki ang naitulong niya sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon, kalusugan at mga imprastraktura. Sa panunungkulan niya rin napili ang lungsod bilang Regional Development Center sa CALABARZON Region. Sa panahon niya nabuksan ang City College of Calamba. Siya ay pangalawang salin ng pamilya Chipeco sa pulitika. Inaakusahan din siya sa ilang isyu ng kurapsyon sa loob ng pamahalaan bagamat wala pang pormal na reklamong inihain laban sa kanya.


VICE-MAYOR SEVERINO “BINOY” LAJARA

Siya ang unang alkalde ng Lungsod ng Calamba. Siya ang tinaguriang “Ama ng Calamba” marahil na rin siguro sa kaniyang popularidad sa mga mahihirap. Sa kaniyang panunungkulan ay isinulong niya ang pagpapatayo ng bagong City Hall, na tinaguriang pinakamalaki at pinakamaganda sa buong bansa.  Pinukulan siya ng mga batikos ng kurapsyon ukol sa pagpapagawa ng nasabing City Hall subalit na-dismiss naman ito. Inaasahang gagamitin niya ang mahaba niyang karanasan sa paghawak ng ating lungsod ngayong siya ay nagbalik na sa panunungkulan bilang Vice Mayor.


KONSEHAL RUTH MARIANO-HERNANDEZ

Hinawakan niya ang Komite ng Edukasyon at ilan pang importanteng komite noong nakaraang Sangguniang Panlungsod.  Isa sa nagbukas sa isyu ng relokasyon sa tabing riles ng ating siyudad.  Kakikitaan ng pagtindig sa ilang isyu subalit hindi masasabi ring tila hindi consistent na maituturing dahil sa kanyang pagtutol sa moratorium ng Canlubang.  Kabiyak ng natalong gubernatorial candidate Former Vice Governor Ramil Hernandez.


KONSEHAL LIAN PECHO-ALDABE

Isa sa mga batang konsehalsa loob ng Sangguniang Panlungsod. Naging Chairman ng Sangguniang Kabataan.  Bilang tagapangulo ng Committee on Public Affairs and Information, siya ang nagsimula ng Gawad Parangal sa Sampung Natatanging Calambeño.  Mapapansing hindi gaanong aktibo pagdating sa talakayan at debate sa mga sesyon ng Sangguniang Panlungsod.

KONSEHAL EDGARDO “EDDIE” CATINDIG

Isa sa mga nagbabalik Konsehal sa Sangguniang Panlungsod. Nakilala sa kanyang proyektong “Libreng Kabaong”. Matatandaan noong 2001, siya ang nangunang manindigan laban sa nagaganap na kurapsyon sa Calamba Water District. Si Ka Eddie ay may katandaan na at sa kasalukuyan ay mayroon na ding iniinda na sakit sa puso.

KONSEHAL MOISES ENDOZO-MORALES

Nangunang konsehal noong halalan ng 2004. Isa siyang Mechanical Engineer.  Nauna siyang nakilala sa pagnenegosyo bago sa pulitika. Bumuo siya ng paksyon noong 2007 nang tumakbo siyang alkalde ng lungsod laban sa nakatiket niya nitong nagdaang eleksyon na si Mayor Jun Chipeco.

KONSEHAL LUIS VERGEL “BONG” BARORO

Dating kapitan ng isang barangay bago mahalal noong 2007 bilang konsehal.  Nag-sponsor para magkaroon ng septage and sewerage management ang Calamba.  Kabilang siya sa Liberal Party faction na lumaban sa partido ng kasalukuyang mayor nitong nakaraang eleksyon.


KONSEHAL CHRISTIAN NIÑO LAJARA

Pangunahin siyang tagapagtaguyod ng laban ng mga manggagawang-bukid ng Canlubang para sa lupa at sa kurapsyong nagaganap sa loob ng ating Pamahalaang Panlungsod.  Naging SK Federation President ng Calamba bago mahalal noong 2007 bilang konsehal. Kilala sa pagiging masipag at matapang sa loob ng Sangguniang Panlungsod.  Isinulong ang pagpapataas ng budget ng kooperatiba at pangkabuhayan.  Madalas na naikukumpara sa kanyang ama at kasalukuyang Vice-Mayor Binoy Lajara. 

KONSEHAL PEEWEE PLATON-PEREZ

Siya lamang ang tunay na bagito sa bagong Sangguniang Panlungsod. Nagtapos ng isang business course at kilala bilang tagapamahala ng kanilang negosyo na isang grocery store sa bayan ng Calamba.  Naging plataporma niya noong panahon ng kampanya ang pagpapa-unlad ng negosyo sa Calamba.  Wala pa siyang karanasan tungkol sa pulitika at hindi pa siya ganoong nakakasabay sa bagong hamong ito sa buhay niya.

KONSEHAL JOSE MOREL MANAIG

Pangalawang termino bilang konsehal ng lungsod na ito. Bilang Tagapangulo ng Committee on Market and Slaughter House ay nabuo ang bagong pamilihan ng Calamba na nakatayo sa Poblacion at nagpanukala ng bagong charter nito.  Kabilang siya sa Liberal Party faction na lumaban kay Mayor Jun Chipeco noong nakaraang halalan. Masasabing hindi rin siya naging consistent sa pagtindig sa mga isyung kinahaharap ng lungsod gaya ng suliranin sa lupa at kurapsyon.

KONSEHAL JUAN “JOHNNY” LAZARO

Kabilang rin siya sa mga konsehal nating naging bahagi ng Liga ng mga Barangay. Kilalang madaling lapitan at makamasa. Nanilbihan na rin ang ating konsehal na ito bilang konsehal noong taong 2004-2007 bago matalo sa kanyang re-election bid nang sumanib siya sa paksyon ni Kon. Morales noong 2007. Kasama siya sa Grupo Nacionalista na walang binitbit na alkalde noong nakaraang eleksyon. Bukas siya sa mga pagbabago sa loob ng lungsod. Wala ring malinaw na katayuan sa loob ng konseho dahil nakasama rin niya sa partido ang anak ng ating Punong Lunsod.

KONSEHAL SANTIAGO “SANTY” ATIENZA

Isa rin siyang dating konsehal at kapitan gaya ni Konsehal Lazaro. Pareho sila ng naging kapalaran na makabalik sa Sangguniang Panlungsod. Kilala siya sa pagiging pinuno ng isa sa malaking barangay ng Calamba.  Kabilang siya sa bloc ni Kon. Morales sa kasalukuyang konseho. Siya ngayon ang namumuno ng Committee on Cooperatives and Livelihood.

Sila ang bagong mukha ng ating Pamahalaang Panlungsod. May iba’t-ibang perspektiba at katayuan sa buhay, may sari-sariling diskarte sa mga laban at isyu, at may kanya-kanyang hangarin. Ang hamon lang naman sa mga bagong halal nating opisyales, paglingkuran niyo ang sambayanan. Putulin ang linya ng tradisyonal na pulitika para sa ikauunlad ng mamamayan.--Matt Palentinos



 

 

 

Last Updated on Tuesday, 10 August 2010 03:48

Add comment


Security code
Refresh