Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Calamba City Employee Multi-Purpose Cooperative, Hiniling ang Karapatang Mag-Kantina sa City Hall

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

Sa isang liham na isinumite ng Calamba City Employee Multi-Purpose Cooperative sa Sanggunian Panlungsod ay kanilang isinaad ang interes ng samahan na makapag-kantina sa loob ng City Hall, kaalinsabay ng pag-uusap hinggil sa kung ire-renew ng City Government ang kontrata nito sa kasalukuyang Canteen Concessionaire na si Mrs. Alcantara.  Agad namang nagpatawag ng Committee Meeting ang Committee on Franchises and Utilities na pinangungunahan ng Tagapangulong Konsehal Christian Niño Lajara upang malapatan ng kaukulang aksyon ang kahilingan ng CCEMPC.

Matapos ang pulong, napagkasunduan na pagbigyan ang kahilingan ng CCEMPC para sa kapakanan ng nakararami.  Subalit kailangan din namang isaalang-alang ang magiging epekto nito sa mga tauhan ni Mrs. Alcantara na mawawalan ng trabaho kung hindi magre-renew ng kontrata.  Sa huli ay nagdesisyon ang komite na bigyan pa ng pitong buwang extension period ang grupo ni Mrs. Alcantara bilang konsiderasyon sa kanila at matapos ang panahong ito ay saka naman bibigyang-daan ang kahilingan ng CCEMPC.  Inirekomenda rin ng Komite ang pagkakaroon ng partnership sa pagitan ng CCEMPC at ng grupo ni Mrs. Alcantara upang mas maging mabuti ang paghahatid ng kanilang serbisyo at mas marami ang mabigyan ng hanapbuhay.

 

 

 

 

  

Add comment


Security code
Refresh