Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Bawal magkasakit… ang mahirap?

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

 

Bawal magkasakit!… Ang Mahirap?

Isa sa napapanahong usapin ngayon ay ang isyu ukol sa mga ospital na hindi tumatanggap ng mga pasyenteng walang pang down kahit pa emergency o nasa kritikal na kalagayan ang pasyente.  Kamakailan lamang ay laman ng balita ang isang buntis na tinanggihan ng limang ospital kahit pa emergency ang lagay nito dahil sa pag-premature labor.  Nagpalipat-lipat ng ospital ang pasyente kasama ang mga kamag-anak nito mula Rizal hanggang sa makarating sila ng  Metro Manila.  Subalit sa kasamaang palad, walang ospital na tumanggap sa kanila.  Humingi sila ng tulong sa isang istasyon ng telebisyon na siyang nag-cover ng kwentong ito.  Ang ginawa ng TV station ay nakipag-ugnayan sa  DOH Undersecretary, na siya namang nagbigay ng direktiba na dalahin ang pasyente sa East Ave. Medical Center.  Subalit pagdating sa nasabing ospital, muli, tinanggihan ang kawawang ginang.  May lumabas  na doktor subalit hindi man lang nito hinawakan ang pasyente sa kabila ng noong pagkakataong iyon ay dinidugo ang pasyente.  Ang insidenteng ito ay naganap sa mata ng media.  Kinapanayam ang doktor at tinanong ang dahilan kung bakit hindi ini-admit ang pasyente.  Wala raw silang incubator, aniya ng doktor.

 

 

Kinailangang personal na magtungo ang DOH Undersecretay upang paalalahanan ang pangasiwaan ng ospital na bawal ang mag-deny ng emergency services ang kahit anong ospital.  Noong pagkakataong iyon ay saka pa lang tinanggap sa wakas  ang pobre pasyente na halos mangiyak-ngiyak habang pinasasakay sa wheelchair.

Tunay na nakalulungkot ang mga ganitong sitwasyon subalit maraming ganitong kasong nangyayari sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.  Hindi maiiwasang maisip na kung sa ganitong pagkakataon na may mga camerang nakaharap nagagawa nila ito sa pasyente, paano pa kaya kung walang camera?  Isang negosyo na lamang talaga ang turing ng maraming mga doktor at ospital sa kanilang propesyon.  Propesyong dapat sana ay may puso, dahil ito ay umiikot sa pagkalinga sa mga may karamdaman.

 

 

Kung sasabihing polisiya ng ospital ang hindi pagpansin sa pasyente kung ito ay walang pambayad, tunay na kinalimutan na nga ang salitang "pakikipagkapwa-tao" sa ngalan ng negosyo.  Ang mga may perang pasyente ay tinatrato na lamang na mga kliyente.  At ang mga manggagamot ay pawang mga bayarang propesyonal na lamang na gumagawa para kumita!  Masakit na mga salita, subalit sa mga kasong tulad ng nabanggit, sadyang masakit ang katotohanan.   

Habang isinusulat ko ito umaalingawngaw sa isip ko ang kadalasang isinasagot ng mga bata kapag tinatanong sila kung bakit gusto nilang maging doktor paglaki, “ Para po makatulong sa mga mahihirap na nagkakasakit…”  Sinserong sagot ng isang musmos, pero sana hindi lang sa pa-contest sa telebisyon ang sagot na ito.  Alam natin na mahirap ang magkasakit, may patalastas pa ngang nagsasabi na “ bawal magkasakit”.   Sino ba namang  tao ang  ipagpapalit ang malusog na pangangatawan sa katawang sakitin?  Lalo pa’t alam mong doble ang hirap na posible mong danasin kung ang mapapagdalahan sa'yong ospital ay tatanggihan ka lamang sa hindi wala kang pambayad. Dahil dito, mas naaangkop yata ang slogan na “Sa Pilipinas, bawal magkasakit… ang mahihirap”

Malinaw na nakasaad sa Batas Republika Blg. 8344 na ang paghingi, pag-demand, at pagtanggap ng paunang bayad ng sinumang representate ng ospital o klinika sa panahon ng emergency at serious cases bilang rekisito sa pagtanggap sa pasyente at pagbibigay sa kanya ng medikal na suporta at inisyal na lunas ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Gayundin ang pagtanggi sa pagtanggap at paglunas sa pasyente upang mapigilan ang permanenteng kapansanan at kamatayan. Kung sakaling ang ospital o klinika ay walang kakayahang lunasan ang kaso ng pasyente, pinapayagan ng batas ang paglipat sa pasyente sa ospital o pasilidad na may kakayanan, bagamat kinakailangan ang permiso ng pasyente o ng kamag-anak nito. Bago ang paglipat, nararapat tiyakin ng ospital o klinika na nasa mas maayos na kalagayan at stabilized na ang pasyente. Ang paglilipatan na ospital ay nararapat na angkop sa kalagayang medikal at pangangailangan ng pasyente. Ang mga pasyenteng mahihirap ay maaaring dalhin sa mga pampublikong ospital. Ang simunang lumabag sa probisyon ng batas na ito ay maaaring makulongng mula anim na buwan hanggang dalawang taon at magmulta ng P20,000 hanggang P100,000. Kung ang paglabag ay sanhi ng pagsunod sa polisiya ng ospital, ang sinumang responsable sa paggawa ng nasabing polisiya ay maaaring makulong ng apat hanggang anim na taon at magmulta ng P100,000 hanggang P500,000.

Ang tanong, bakit kaya sa kabila ng pagkakaroon natin ng batas ukol dito ay nangyayari pa din ang mga ganitong bagay? Imposibleng hindi alam ito ng mga taong nagpapalakad ng ospital at ng mga residenteng doktor dito. Pero sa kabila ng lahat, nananatili pa ring nagbubulag-bulagan ang ibang mga ospital at doktor sa mga mahihirap na pasyente.  Marahil nangyayari ang ganito sanhi na rin ng kawalan ng ngipin ng batas dito sa ating bansa.  Dapat siguro’y mas higpitan pa at taasan ang karampatang parusa sa mga taong lalabag sa batas na ito O kaya ay may ospital na mapatawan ng kaukulang kaparusahan.  --LOUVIE BALDONADO

Note:  
Just recently, we have lost a dear friend who was also a victim of a pitiless hospital in Calamba. 

 

Last Updated on Sunday, 18 July 2010 12:32

Comments  

 
0#2kcken2011-02-02 12:20
:-x:cry: hehehe :P:D
Quote
 
 
0#1kcken2011-02-02 12:17
:-) nakakatouch amn cute pa :roll::D
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh