SESYONISTA : Ang Botohan para sa mga Komite
- Friday, 16 July 2010
- Written by Calamba Super Administrator
Matapos ang pagpapaliban ng botohan sa paghahalal ng mga magiging Tagapangulo ng iba't-ibang komite noong unang araw ng sesyon ay natuloy din ito nitong Lunes. Matatandaan na mainit ang naging pagtatalo sa ipinanukala ni Konsehal Christian Niño Lajara na bagong Internal Rules na gagamitin ng Sanggunian noong nakaraang linggo. Mariing tinutulan ito partikular ni Konsehal Moises Morales dahil ito raw ay maaring magamit sa "panlalamang". Subalit sa isang en banc meeting na ginanap din noong linggong iyon ay naliwanagan ang lahat at pinagkasunduang i-adapt din ang resolusyon ni Konseha Lajara.
Hindi naging mabigat ang labanan sa mga komite. Halos hindi na nga nagkaroon ng kontensyon sa karamihan ng komite maliban sa Committee on Good Governance, Public Ethics and Accountability (Lazaro VS ABC Pres. Lajara), Committee on City Planning and Zoning (Manaig VS Perez), at Cooperatives and Self-employment (Atienza VS Kon. Lajara). Mapapansin na agad ang pagkakaroon ng dalawang bloc sa konseho kung saan nagkaroon ng 7-5 boto sa dalawang posisyon. Makikita na agad ang magiging kampihan at suyuan sa mga susunod pang mga isyu.
Ito ang mga pamumunuang komite ng mga konsehal natin sa Calamba:
KONSEHAL RUTH MARIANO-HERNANDEZ
-Tourism, Culture and Social Events
-Health and Sanitation
-Rules and Privileges
KONSEHAL LIAN PECHO-ALDABE
-Education
-Accreditation
-Public Affairs and Information
KONSEHAL EDDIE CATINDIG
-Social Services, Man, Woman and Family
-Socialize Housing and Urban Poor
KONSEHAL MOISES MORALES
-Public Works
-Appropriation, Budget and Finance
KONSEHAL BONG BARORO
-Natural Resources and Waste Management
-Games and Amusement
KONSEHAL CHRISTIAN NIÑO LAJARA
-Agriculture
-Franchise, Transportation and Utilities
KONSEHAL PEEWEE PLATON-PEREZ
-Justice and Human Rights
-Trade, Commerce and Industry
KONSEHAL JOSE MOREL-MANAIG
-City Planning and Zoning
-Market and Slaughter House
KONSEHAL JUAN LAZARO
-Good Governance, Public Ethics and Accountability
-Labor and Employment
-Appointment, Plantilla and Personnel Services
KONSEHAL SANTY ATIENZA
-Cooperatives and Self-employment
ABC PRES. SATURNINO LAJARA
-Laws and Ordinances
-Peace and Order
-Baranggay Affairs
SK PRESIDENT JAYNE RIZAL
-Youth Development
Natalakay din ang ilang resolusyon mula sa mga baranggay. Pinakapumukaw sa atensyon ko ay ang pinagsanib na resolusyon ng baranggay Canlubang at Siranglupa ukol sa right of way ng access road ng dalawang baranggay. Inaasahan na tutugunan na ito hanggang sa susunod na taon. Matagal na ring isyu ito sa dalawang baranggay. Kapag nabili na ang access road ay maari ng ipaayos ito ng pamahalaang panlungsod at higit na makakatulong sa mamamayan.
Tinalakay muli ang isyu ng demolisyon at relokasyon sa binasang sulat ni Konsehal Ruth Hernandez. Natandaan ko pa na sa pagsasara ng huling SP session noong Marso ay tinalakay na ito. Mahigpit ang laban ng mga mamamayan sa tabing-riles sa nasabing baranggay. Magiging mahirap para sa kanilang kabuhayan kong ililipat sila sa Baranggay kay-Anlog.
Simple naman ang magiging tugon sa nangyaring pagpili ng mga committee chairmanship at ito ay kung mapaninindigan at maipagtatanggol nila ang interes ng taumbayan sa mga nasabing komite. Ngayon natin silang hamunin na gawin ang mga pangako nilang inihain sa atin noong eleksyon.--SESYONISTA, Matt Palentinos

Last Updated on Friday, 16 July 2010 06:05Add comment