Nanumpa bilang Police Officer 1 (PO1) ang 267 na mga bagong pulis. 57 sa mga ito ay kababaihan at 210 ay kalalakihan. Ito ay bahagi ng Phase 1 ng Regular Recruitment Quota ng taong 2010. Ang mga bagong pulis ay pormal na nag-umpisa sa kanilang tungkulin nitong umaga ng ika-1 ng Hulyo.
Ang okasyon ay ginanap sa Police Regional Office na pinangunahan ni PC/Supt. Rolando Añonuevo, at dinaluhan ni PSUPT Aaron D. Fidel, CALABARZON Recruitment Board PSSUPT Abner Q. Dimayubu, Atty. Yolanda Lira, Regional Director (NAPOLCOM IV-A) Atty. Maria Elena Quebral.
Dumaan ang mga bagong pulis sa matinding serye ng screening at mga pagsubok. Matapos ang panunumpa ay sasailalim ang mga bagong pulis sa anim na buwang Public Safety Course.
Police Regional Office CALABARZON
