Pasok sa Top-3 ang Calambeñong Chess Champion na si Michelle Yaon sa ginanap na 2012 National Age-Group Chess Championship na idinaos kamakailan sa Kalibo, Aklan. Mula sa labing-apat na mga chess champions na naglaban-laban sa Girls Under-16 Category, ay kukunin ang magiging representative ng bansa sa darating na ASEAN Championship sa June 10-20, 2012 na gaganapin sa Hue, Vietnam. Bukod kay Yaon, ay pasok din ang mga kapwa chess champions na sina Bernadette Galas ng Makati at Ruth Aubrey De Guzman ng Sta. Rosa. Ang tatanghaling grand finals winner sa tournament sa Vietnam ang siya namang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa 2012 Asian Youth Championship na itinakdang idaos sa Sri Lanka.
RELATED ARTICLES:
WOMAN FIDE MASTER MICHELLE YAON NG CALAMBA, NAGPAUNLAK SA SIMUL-CHESS EXHIBITION
WFM Michelle Yaon ng Calamba, 7-3-1 sa Simul-Chess Exhibition
Nañola at Yaon ng Calamba City, Lusot sa Palarong Pambansa


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph