Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

City Prosecutor Ocampo Naghain ng Resolusyon hinggil sa 26-Milyon Scam

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

City Prosecutor Ocampo Naghain ng Resolusyon hinggil sa 26-Milyon Scam


Calamba City, Laguna--Kinasuhan si Ranielda M. Leaño ng kasong estafa thru Falsification of Commercial Document nitong ika-29 ng Abril.  Matatandaang noong isang linggo ay dumulog ang City Government of Calamba, sa pamamagitan ni Mrs. Liberty Toledo, City Treasurer, sa NBI upang ireport ang nawawalang dalawang booklet ng cheke mula sa kanyang tanggapan.  Ang nasabing mga cheke na umabot sa 30 piraso na may kabuoang halaga na Php 26, 618.124.59, ayon sa ulat ng PNB, ay nailabas o nai-withdraw.  Nahuli ng NBI ang isang lalaking nagngangalang RANIELDA LEAÑO habang winiwithdraw nito ang ilang mga cheke.  Ayon sa NBI, ang mga nasabing cheke ay pirmado ng mayor, vice-mayor at ng city treasurer, na ayon naman sa mga ito ay pawang pineke lamang.  Sa findings ng City Prosecutor ay sinasabing ang mga "Accountant's Advices" na pirmado ng City Accountant CARMINIA ESPIRIDION at inihanda ng Clerk ay may chronologically assigned control numbers.  Ito ay isang indikasyon ng sabwatan sa pagitan ng City Hall employees at Officials kaya naisagawa ang scam na ito.

 

Ang "Accountant's Advices" ay isang official communication sa banko na nagsasabing ang mga cheke ay valid at nararapat ibayad sa payee.

 


Last Updated on Wednesday, 05 May 2010 08:53

Add comment


Security code
Refresh