Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ISYU NG NAWAWALANG MGA CHEKE PINAG-USAPAN SA SPECIAL SESSION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Sangguniang Panlungsod, Calamba City, Laguna--Nagpatawag ng special session noong ika-28 ng Abril ang Sangguniang panlungsod pangunahin upang pag-usapan ang mga mahahalaga at kontrobersyal na isyu sa lungsod ng Calamba.  Unang tinalakay ay suliranin ng mga Job Order workers na isang buwan nang hindi pinapa-sweldo.  Iginiit ni Konsehal Jose Pradas na kinakailangan ang supplemental budget para ma-resolbahan ang problemang ito.  Subalit ayon sa presiding chairman na si Konsehal Dennis Lanzanas na hindi na ito posible dahil hanggang Hunyo na lamang ang termino ng mga incumbent na konsehal.  Hiniling naman ni Konsehal Christian Niño Lajara na kinakailangang imbestigahan ang dahil kung bakit nagkaroon ng ganitong suliranin.

 

Sa priviledged speech ni ABC President Saturnino Lajara ay binasa niya ang isang liham na ipinakakalat sa buong Calamba mula sa grupong "CONCERNED CITIZENS OF CALAMBA", na tumatalakay sa kasalukuyang isyu ng nawawalang mga cheke na nagkakahalaga ng 26 Milyong piso.  Binigyang-diin ni Lajara na hindi kaya ng kaniyang konsensya na manahimik na lamang habang ang mga sangkot o may kinalaman sa pagnanakaw na ito ng kaban ng bayan ay nananatiling nakakalaya.  Sa liham, na diumano ay halaw sa imbestigasyon ng NBI ay isinaad ang mga pangalan ng mga kumpanyang kinasangkapan upang mailabas ang pera sa bangko.  Pinanganlan din ang City Accountant na si Carminia Espiridion na kinakailangang magpaliwanag dahil ang transaksyon ay dumaan sa kaniyang tanggapan dahil sa "City Accountant's Advise" na nakatatak sa mga cheke.  Kinuwestiyon ng "CONCERNED CITIZENS OF CALAMBA" ang malaking halagang ginagastos sa kampaya ng kumakandidatong si Dyan Espiridion, gayong ang kanilang pamilya ay wala namang malaking negosyong mapagkukunan.  Binanggit din sa liham ang nagpaliwanag na sina City Treasurer Liberty Toledo at City Mayor Joaquin Chipeco na ang pirmang lumabas sa mga cheke ay pawang pineke lamang.

Narito ang Liham ng "CONCERNED CITIZENS OF CALAMBA"...


 


 

 

 

Last Updated on Friday, 30 April 2010 08:45

Add comment


Security code
Refresh