Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PLANONG PAGDEVELOP SA 943 EKTARYA NG LUPA NA SUMASAKOP SA SITIO PUTOL AT MAJADA, TINUTULIGSA

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

PLANONG PAGDEVELOP SA 943 EKTARYA NG LUPA NA SUMASAKOP SA SITIO PUTOL AT MAJADA, TINUTULIGSA

    Tinutuligsa ngayon ng mga manggagawang-bukid ng Sitio Putol at Majada sa Barangay Canlubang, Lungsod ng Calamba ang planong pagdevelop sa 943 ektarya ng nasabing lugar na kung saan humigit kumulang limampung manggagawang-bukidang tumungo sa city hall noong ika-12 ng Abril taong kasalukuyan, upang iparating sa pamahalaang panglungsod ang kanilang mga karaingan.

    Ayon pa sa ilang mga manggagawang-bukid, sa ngayon ay kailangang bigyan ng pansin ang kalagayan ng mga apektadong indibidwal na tinatayang aabot sa tatlong daang pamilyang naninirahan sa Sitio Putol at Sitio Majada.

    Kaugnay pa rin nito, ayon kay Ginoong Eric Laurel ng SAMAKA- Buntog, may mga isinasagawang mga pagsusukat sa kanilang lugar at may posibilidad na tatamaan ang mga pananim na niyog. Mariin nilang sinasabi na ang pribadong proyektong patubig ay isang proyektong magbibigay daan sa pagkakaroon ng paghati ng mga residente ng Buntog. Dinagdag pa nito na ang nasabing patubig at relokasyon ay kailangan idagdag ang katibayan sa hanapbuhay.

     

    Last Updated on Wednesday, 02 June 2010 05:44

    Add comment


    Security code
    Refresh