Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAGKITIL SA KABUHAYAN NG MGA COCONUT FARMERS SA SITIO BUNTOG NAPIGILAN

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

PAGKITIL SA KABUHAYAN NG MGA COCONUT FARMERS

SA SITIO BUNTOG, NAPIGILAN

Sa pamamagitan ng tanggapan ni Kgg. Konsehal Christian Niño Lajara, bilang Chairman ng komite ng Agrikultura ay napigilan ang malawakang pagpuputol ng mga puno ng niyog na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ng Sitio Buntog, Brgy. Canlubang, Calamba.

                Noong ika-22 ng Marso, dumulog ang ilang coconut farmers na pinangungunahan ni Mang Domeng Masongsong at isiniwalat ang nagaganap na pagpuputol ng mga puno ng niyog sa nasabing sitio.  Ang pamumutol ay pinangungunahan ng isang nagngangalang Allan Fajardo, kasama ang 50 manggagawa, isang arkitekto na nakilalang si G. Dan Calvo at Lando Ramilo, mga kawani ng San Cristobal Realty Development Corporation na pag-aari ng mga Yulo.  Ang nasabing grupo ay may kasamang limang pulis na diumano ay miyembro ng RMG na mula sa Camp Eldridge, Los Baños Laguna, kung kaya’t ang mga magsasaka ay hindi nakapalag.

                Kaagad nakipag-ugnayan si Konsehal Lajara sa tanggapan ng CENRO at PENRO upang alamin kung ang mga nagpuputol ng mga puno ay may pahintulot mula sa kanilang ahensya. Sang-ayon sa dalawang ahensya, wala silang hurisdiksyon kapag coconut trees ang pinuputol at kanilang itinuro ang Philippine Coconut Authority (PCA) ang dapat lapitan.  Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Konsehal Lajara, Philippine Coconut Authority, sa pamamagitan ng kanilang kitawang si G. Leonardo Manalo,  at Hepe ng Pulisya sa Calamba ay ipinatigil ang walang habas na pagpuputol ng mga puno ng niyog dahil sa kawalan ng kaukulang pahintulot mula sa PCA.  Tinatayang nasa 53 puno ng niyog ang naputol.

                Sa kasalukuyan, nakasampa na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 8048 sa tanggapan ng City Prosecutors ngayong ika-5 ng Abril 2010.


 

 

Add comment


Security code
Refresh