Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News / Events Calamba Rice Growers Multi-Purpose Cooperative, Nangailangan ng Tulong at Suporta

Calamba Rice Growers Multi-Purpose Cooperative, Nangailangan ng Tulong at Suporta

E-mail Print PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ang sektor ng agrikultura sa Calamba ay nangailangan ng tulong at suporta dahilan sa mga nasirang kabuhayan bunsod ng nagdaang Bagyong Ondoy. Ang Calamba Rice Growers Multi-Purpose Cooperative o CRG-MPC, partikular na sa mga barangay ng San Jose, Lecheria, Lingga, Bucal, Pansol, at Halang, ay naghain ng damage report noong ika-2 ng Oktubre kung saan pinahayag nila na mayroong Php 182,199,980.00 na halaga ng pataniman, pangisdaan, at pahayupan ang nasira sa pagdaan ng Bagyong Ondoy na isinumite ni Ginang Aurea Alcasabas.

Ang nasabing paghingi ng tulong at suporta ay inihain bilang Resolution No. 09-10-32 noong ika-3 ng Oktubre 2009. Ang resolusyong inihain ay upang humingi ng suporta, sa pamamagitan ng Opisina ni Konsehal Niño Lajara bilang pinuno ng Komite ng Agrikultura, na maglabas mula sa Calamity Fund ng Lungsod ng Calamba upang isaayos at tustusan ang mga nasirang kabuhayan sa agrikultura.

Hanggang sa ngayon ay inaantay ang magiging sagot ng Punong-Lungsod Kagalang-galang Joaquin “Jun” Chipeco ukol sa inihain resolusyon ng Kagalang-galang Konsehal Christian Niño Lajara kung igagarantiya ang tulong sa mga manggagawang-bukid.

 

07 October 2009

 
Webcalamba.ph

Members Login

Directory Menu


Popular Businesses


My Calamba Total Members

209 registered
1 today
5 this week
20 this month
189 this year