Inatasan ni Ginoong Pamusmusan ang miyembro ng CALAMBA-PA na makipag-ugnayan sa kinatawan ng mga magsasaka at mangingisda ng Fishery Aquatic Resource Management Council (FARMC) na pinangunahan ni Ner Casipit ng Sampiruhan at City Agriculture Fishery Council (CAFC) sa pangunguna ni Joselito San Jose ng Barangay San Jose.
Sa ginawang pakikipag-dayalogo ng mga pinuno sa Executive Staff na si Boy Aquino. Sinabi nito na ang Local Zoning Review Committee ay trabaho ng City Planning, ang proposed Zoning Ordinance ay manggagaling sa City Mayor Kagalang-galang Joaquin “Jun” Chipeco at ang Reclassification Approval ay trabaho ng Sangguniang Panlungsod.
Nanawagan ang mga pinuno ng CALAMBA-PA sa Pamahalaang Panlungsod na huwag silang pagpasa-pasahan at huwag limitahan ang bilang sa pakikipag-dayalogo sa City Mayor dahil ang Canlubang ay mayroong dalawamput-isang sitio at may kanya-kanyang kinatawan.
Nagpapasalamat ang mga pinuno ng Canlubang sa ginawang pagsuporta ni Konsehal Christian Niño S. Lajara sa mga nakakaraang mga pulong ng Sangguniang Panlungsod. Ipinaaabot ng mga ito na ang hindi pag-suporta ng mga konsehal ng Sangguniang Panlunsod sa kanilang petisyon ay hindi nangangahulugan ng wakas ng kanilang laban. Nanawagan sila sa mga miyembro at mga taga-Canlubang na sumuporta at itaguyod ang laban ng mga lehitimong benepisyaryong manggagawang-bukid.
09 October 2009







