Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News / Events Bagyong Ondoy Nag-Iwan ng Pinsala sa mga Pananim ng Magsasaka ng Sitio Balagbag-Araw sa Canlubang

Bagyong Ondoy Nag-Iwan ng Pinsala sa mga Pananim ng Magsasaka ng Sitio Balagbag-Araw sa Canlubang

E-mail Print PDF
User Rating: / 0
PoorBest 
Humigit-kumulang isang libo at siyam na raan siyamnapung (1990) pananim na punong saging, isang daan at limampung (150) pananim na punong guyabano, at isang libo isang daan at apatnapung pananim (1140) na kalamansi ng magsasaka ng Sitio Balagbag-Araw ang napinsala ng Bagyong Ondoy sa Canlubang. Ito ay kinabilangan ng limamput anim (56) na magsasaka ang naapektuhan at nasiraan ng mga nasabing mga pananim. Sa panayam sa mga magsasaka, sinabi nila na ang kanilang lugar, kasama ng mga aria-arian at pananim, ay hindi naging ligtas nang tuluyang hagupitin at bayuhin ng malakas na hangin ng Bagyong Ondoy ang kanilang kinatitirikan at ng kanilang mga kasamahan. Kaagad na itinala ng mga opisyales ng samahan ng magsasaka ng Matang Tubig at Balagbag-Araw ang mga pangyayari. Agad na ibinigay ng mga ito ang tala sa karatig-sitio upang kahit na papaano ay matulungan sila.

Ikinalulungkot ng mga magsasaka nang malaman ang kanilang agricultural damage ay hindi pa nakararating sa mga kinauukulan sa Pamahalaang Lungsod ng Calamba, partikular sa City Agriculture Office ng lungsod.

 Nanawagan ang mga magsasaka sa pamunuan ng Barangay Canlubang na tulungan sila partikular sa pagkasira ng kanilang mga pananim bunsod ng Bagyong Ondoy noon pang ika-26 ng Setyembre 2009.

 16 October 2009

 

 
Webcalamba.ph

Members Login

Directory Menu


Popular Businesses


My Calamba Total Members

209 registered
1 today
5 this week
20 this month
189 this year