Ang naturang paghahain ay masusing pinag-aralan ng grupo at pormal na isinampa sa Regional Trial Court sa Calamba City noong ika-14 ng Oktubre 2009. Ang paghahain ng petisyon, ayon sa mga pinuno ng grupo ng mga manggagawang-bukid, ay paunang hakbang lamang upang ang kanilang ipinaglalaban, na noon pa nila isinasangguni, ay magkaroon na ng katarungan para sa susunod na henerasyon. Ayon kay Kagalang-galang Konsehal Christian Niño S. Lajara, siya ay kasamang sumusuporta at lumalaban sa panig ng mga manggagawang-bukid bilang pinuno ng Komite ng Agrikultura at bilang lokal na mambabatas na tinitiyak ang kasiguraduhan sa pagkain ng mamamayan ng Calamba.
Batid ng mga nagsipag-hain ng petisyon na malapit na nilang makuha ang kanilang matagal na ipinaglalaban. Inaasahan na sa mga susunod na mga araw ay tutulak na ang pagdinig para sa nasabing petisyon ng mga manggagawang-bukid.
16 October 2009







