Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News / Events 4,257 na Pamilya, Apektado na Ma-Demolish Sa PNR Railroad Transit Project

4,257 na Pamilya, Apektado na Ma-Demolish Sa PNR Railroad Transit Project

E-mail Print PDF
User Rating: / 0
PoorBest 
Humigit kumulang 4,257 na pamilya buhat sa labing isang (11) barangay ng Lungsod ng Calamba ang maaapektuhan sa gagawing pagdedemolish sa gagawing pagtukoy at pagkuha sa “Right of Way” ng Philippine National Railways o PNR na tatlumpung (30) metro para sa Railroad Transit Project nito.

Ayon kay Ronaldo Dela Cruz, hepe ng City Housing and Settlement Department, ang implementasyon na gagawin ng PNR ay kukuha ng tig-labinlimang metro sa magkabilang panig ng “Right of Way” na kukunin ng PNR. Ang lahat ng apektado ay dadalhin sa relocation project sa Barangay ng Kay-Anlog na may sukat na labinwalong (18) hektarya at sa Barangay Burol na may sukat na isang (1) hektarya.

 Ang proyekto ng relokasyon ay ipapatupad sa pamamagitan ng pag-loan ng tao sa National Housing Authority o NHA at huhulugan ng mga tao sa mababang halaga sa loob ng dalawampung (20) taon. Ang bawat benepisyaryo ng relokasyon ay mayroong tatlumputlimang (35) metro kuwadrado  na may halagang Php 60,000. Ang bahay o panirahan ay may halagang Php 150,800.

 Ang mga barangay na apektado ng nasabing proyekto ay ang mga Barangay ng Banlic, San Cristobal, Parian, Barangay 1, Lecheria, Halang, Real, Bucal, Sucol, Masili, Pansol, at Bagong Kalsada.

 
Webcalamba.ph

Members Login

Directory Menu


Popular Businesses


My Calamba Total Members

209 registered
1 today
5 this week
20 this month
189 this year