Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News / Events Philippine Coastguard Auxiliary, Nagsagawa ng Relief Operation

Philippine Coastguard Auxiliary, Nagsagawa ng Relief Operation

E-mail Print PDF
User Rating: / 0
PoorBest 
Ang Philippine Coastguard Auxiliary, sa pamumuno ni Commodore Errol Ramirez, at sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng mga barangay, ay nagsagawa ng relief operation sa mga naapektuhan ng nakaraang Bagyong Ondoy sa Lungsod ng Calamba. Ayon kay Dr. Rodolfo Barbosa Jr., komandante ng Philippine Coastguard Auxiliary at pangulo ng Samahang Kabuhayan sa Calamba, Laguna, Inc. ng opisina ni Kagalang-galang Konsehal Christian Niño S. Lajara, isinagawa nila ang relief operation sa mga barangay na sakop ng Cluster 1. Ang mga nasabing mga barangay ay ang Bagong Kalsada, Masili at Sucol.

Dagdag pa niya, naserbisyuhan nila ang mahigit siyam na raang (900) pamilyang nasalanta ng nakaraang Bagyong Ondoy. Ang relief operation na inilunsad nila noong ika-20 ng Oktubre 2009 ay tumagal mula ika-1 hanggang ika-4 ng hapon. Layon nila na abutin ang iba pang mga barangay na lubhang naapektuhan ng bagyo at pagtaas ng tubig sa Laguna de Bay.

 21 October 2009

 

 

Last Updated on Monday, 04 January 2010 07:30  
Webcalamba.ph

Members Login

Directory Menu


Popular Businesses


My Calamba Total Members

209 registered
1 today
5 this week
20 this month
189 this year