Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Business News

UPLAND BARANGAYS NAKINABANG SA GOAT AT CHICKEN DISPERSAL NG AGRICULTURE OFFICE

  • PDF


CALAMBA CITY, LAGUNA. Ang Lungsod ng Calamba, sa ilalim ng pangangasiwa ng Agricultural Services Department, ay muling namahagi sa mga magsasaka ng lungsod noong ika-16 ng Pebrero 2012. Sa pangunguna ng punong agrikulturista ng lungsod na si Aurea Alcasabas, nabahaginan ng tulong pangkabuhayan ang mga Barangay ng Laguerta, Burol, Sampiruhan, at Looc.

Sumatotal, limampu’t dalawang (52) kambing ang ipinamahagi sa mga Barangay ng Laguerta at Burol, limang daang (500) sisiw ang ipinamahagi sa isang kooperatiba ng Barangay Burol, at isang daan at apatnapung (140) sako ng corn seeds ang pinaghati-hatian ng mga Barangay ng Laguerta, Sampiruhan, Looc, at Burol.


Sa tala ng Agricultural Services Department (ASD), ang mga naturang barangay ang siyang napili ng kanilang departamento dahil ang mga naturang barangay ay itinuturing na upland area, o mga lugar na hindi madalas bahain na tulad sa mga lowland area. Dagdag pa nila, maaaring ibalik ng mga nasabing barangay ang mga manok, kambing, at pananim na mais na kanilang mapapalago upang siya namang ipangtulong sa ibang mga barangay na nais ring mag-alaga at magpalago.

 

agri


 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 08:08

TREASURY OFFICE NG CALAMBA HUMILING SA SANGGUNIAN SA POSIBILIDAD NG MORATORIUM SA PEZA

  • PDF


Sa pangunguna ng Calamba City Treasury Office ay pinag-aaralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng PEZA Moratorium.  Sa kahilingan umano ng ilang mga Barangay na sumasakop sa ilang Ecozones sa Calamba, ay iminungkahing pag-aralan kung maaaring makapagpataw ng kaukulang buwis ang barangay sa mga kumpanyang nag-o operate sa kanilang lugar, taliwas sa mismong probisyon ng PEZA na magkaloob ng tax incentive sa mga kumpanyang nasa loob ng Ecozones.

Ang mga kumpanyang under ng PEZA o nasa loob ng Ecozones ay exempted sa national at local taxes bilang incentive nito.  Ang PEZA o ang Philippine Economic Zone Authority, ay isang ahensya ng gobyerno na binuo upang mangasiwa sa mga ECOZONES  sa ibat ibang panig ng bansa, sa bisa ng Republic Act 7916 o ang The Special Economic Zone Act of 1995.


Ang layon nito ay upang mapasigla ang kalakalan sa bansa sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga banyagang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.  Sa kasalukuyan ay mayroong 257 PEZA Operating Ecozones at 2,000 export-oriented na mga kumpanya sa loob nito.  Kabilang dito ang 3 government-owned ecozones sa Cebu, Cavite at Baguio.


Bilang panghikayat sa mga foreign investors ay may mga insentibong ipinagkakaloob ang PEZA sa mga kumpanyang magtatayo sa loob ng mga ECOZONES, tulad ng tax holiday at tax incentives, exempted sa national at local taxes.  Samantala 5% naman ng gross income ng negosyo ay inireremit sa pamahalaan, 3% sa national at 2% direkta sa Treasury Office ng munisipalidad o siyudad kung saan nakatayo ang kumpanya.


Ang Calamba sa kasalukuyan ay may siyam na ecozones:

  1. Allegis Information Technology Park-Brgy. Tulo
  2. Calamba Premiere International Park-Brgy. Batino, Parian and Barandal
  3. Carmelray Industrial Park I- Brgy. Canlubang
  4. Carmelray Industrial Park II- Brgy. Punta & Tulo
  5. Carmelray International Business Park- Brgy. Canlubang
  6. SMPIC Special Economic Zone-Barangay Paciano Rizal
  7. YTMI Realty Special Economic Zone-Brgy. Makiling
  8. Filinvest Technology Park – Brgy. Punta, Burol & Bubuyan
  9. Light Industry & Science Park II- Brgy. Real & La Mesa


Sa kabuoan ng taong 2011 ang PEZA ay nakapag-generate ng 288.34 Bilyong piso ng investment, at nakalikha ng 837,136 bilang mga trabaho.

peza-bldg


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 14 March 2012 07:01

PRODUKTO NG CALABARZON TAMPOK SA DTI-BDT MAKATI

  • PDF

 

Calamba City--- Magkakaroon ng exhibit ng mga produkto ng mga probisya sa Batangas, Cavite, Quezon, Laguna at Rizal, na tinaguriang  “CALABARZON’S PRIDE” mula Enero 16 sa Bureau of Domestic Trade showroom, ground floor sa 361 Sen. Gil Puyat Avenue sa bayan ng Makati City.

Ito ay sa sama-samang pagtataguyod ng Department of Trade and Industry (DTI-IVA), Bureau of Domestic Trade (DTI-BDT) at Rizal Exporters and Manufacturers Association, Inc. (REMAI).

Bahagi ng patuloy na pagpapasigla ng mga industriya sa rehiyon ay ang mga pagdiriwang mula Enero hanggang Hunyo.  Sa buwan naman ng Pebrero ay pasisinayaan ang “Pahimis Festival” ng Cavite;   Marso, “La Laguna Festival”;   Batangas, Alah Eh! Festival na itinakda sa Abril.   Quezon “Pahiyas Festival” sa buwan ng Mayo habang ang “Rizal Higantes Festival” ay sa Hunyo.  Ito ay magpapatuloy hanggang Hunyo 30.

Samantala, maliban sa iba pang serbisyo na ibinibigay ng DTI, sila rin ay tumutulong sa mga micro, small at medium enterprise sa pamamagitan ng pagsasaayos ng trade fairs at exhibit upang maipakita sa mga maraming mamimili at  merkado na sa gayon ay magkaroon din ng pagtaas ng kita at pagbuo ng trabaho lalo na sa bansa.---MJ PEDRAJA


dti2

 



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


1 MULTINATIONAL COMPANY AT 1 KOREAN COMPANY NAKATAKDANG MAGBUKAS SA CALAMBA

  • PDF

Ayon kay Engr. Nestor Castilla, Zone Administrator ng Calamba Premier International Park (CPIP), ngayong taon ay inaasahang magbukas ng sangay sa Pilipinas ang mga kumpanyang AIR LIQUIDE at Kyung-Joo Spring Company.  Ito ay nangangahulugan ng dagdag na employment opportunities para sa mga taga-Calamba at sa mga kalapit bayan, bukod sa dagdag na pagtaas ng investment at export rates sa bansa.


Ang AIR LIQUIDE ay isang industrial gases company na mayroong sangay sa 80 bansa at may empleyong mahigit apat napung libong tauhan.  Samantalang ang Kyung-Joo Spring Company naman ay manufacturer ng custom compression spring na base sa Korea.


Sa kasalukuyan ay mayroong 87 kumpanya ang nasa loob ng CPIP, samantalang ang Filinvest Technology Park naman ay mayroong 17 rehistradong kumpanya.  Ipinahayag din ni Engr. Castilla na dahil saturated na o puno na ang 65.63 hektaryang sakop ng CPIP, ay target ng PEZA (Philippine Economic Zone Authority) na magkaroon ng expansion para sa Filinvest Technology Park.


Bagamat malaki ang naging epekto sa mga Electronics Companies  ang nagdaang krisis sa Japan, dahil sa mga kalamidad na tumama sa bansa tulad ng lindol at tsunami, ay naabot ng CPIP ang target nitong 10-10-10 o ang 10% increase in export, 10% increase in investment at 10% increase in employment.

 

peza-logo


 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 14 March 2012 07:02

LAGUNA KINILALA SA LARANGAN NG SWINE PRODUCTION

  • PDF


Sta. Cruz, Laguna--- Laguna ang isa sa napiling lugar sa buong Asya na may lubos na kaalaman sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng produksiyon ng pagaalaga ng baboy (Swine Production).  Ito ay ayon sa ginanap na Food and Agriculture Organization Conference sa Pattaya Thailand na dinaluhan ng limang bansa sa Asya kabilang ang Vietnam, Malaysia, Cambodia, Thailand at Laos.


Kinatawan ni Dr. Heperson Rellosa ang Pilipinas sa naturang conference sa pamamagitan ng Laguna Provincial Veterinary Office (LPVO).  Ayon kay Rellosa ay isang malaking karangalan para sa bansa partikular sa lalawigan ng Laguna ang pagkilala ng ibang nasyon sa kalidad ng lalawigan sa larangan ng produksiyon at pagaalaga ng baboy.  Hinangaan ang Laguna dahil sa paggamit ng modernong kaalaman sa pagpapataas ng produksiyon, tamang pag-aalaga at mahusay na pagsunod sa mataas na standard sa pagaalaga baboy.---MJ PEDRAJA

 

 

pigs

photo: blog.agriculture.ph


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 




Last Updated on Friday, 13 January 2012 07:38

Page 1 of 4