Get Adobe Flash player

Promote Your Business!

Please update your Flash Player to view content.

Popular Business

News and Events

KANTINA NG EMPLOYEES’ COOP, BUKAS NA


Ngayong linggo ay pormal ng nagbukas ang kantina para serbisyuhan ang mga kawani at mga mamamayan sa City Hall ng Calamba.  Sa ilalim ng pangangasiwa ng Calamba City Employees’ Multi-Purpose Cooperative (CCEMPC), inaasahang ito ay mas magiging kapakipakinabang sa mga miyembro nito na mga kawani din ng City Hall.  Bilang isang kooperatiba, ang bawat miyembro nito ay magkakaroon ng bahagi sa kikitain ng bawat negosyong papasukin ng samahan sa pamamagitan ng patronage dividend.  Ayon sa Chairman ng Coop na si  Maria Dolores Armamento, maaaring magtinda sa kantina ang mga miyembro ng samahan.  Kinakailangan lamang na  makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.  Ipinababatid din ni Bb.Armamento na pansamantala lamang ang pagbabawal sa mga ambulant vendors na magtinda sa loob ng City Hall.

 

 

Matatandaang Oktubre ng nagdaang taon ay naaprubahan sa Sanggunian Panlungsod, sa pamamagitan ng Committee on Franchise, Transportation and Utilities,  ang resolusyon na nagbigay ng pagkakataon sa kooperatiba na makuha ang sole operation and management ng City Hall Canteen matapos ang kontrata ng nagdaang private concessionaire.  Naniniwalala ang si Konsehal Niño Lajara, Tagapangulo ng naturang komite, na sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga samahang tulad ng kooperatiba ay natutulungan ang mga kasapi nito na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.


canteen2

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

PADER NG PADRINO: Chipeco sa Isyu ng Impeachment


CALAMBA, LAGUNA. Pormal nang gumugulong ang Impeachment Trial sa nasasakdal na si Punong Mahistrado Renato Corona. Hindi maitatangging ito ay isa sa pinakamalaking pangyayari sa kasaysayan ng administrasyong PNoy. Sa lahat nang ito, ano nga ba ang malinaw na posisyon ng mga Chipeco ng Calamba? Sila ba ay mga taga-usig o taga-suporta ni Corona? O hindi kaya’y isa sa mga nagkikibit-balikat sa tunay na sitwasyon ng bayan?


 

Nang sumindi ang mitsa…

Disyembre. Panahon ng paggunita sa kapaskuhan. Panahon rin ng kagalakan--- ngunit sa iilan lamang. Sa ganap na 6:22 ng hapon ng Disyembre 12 ay nakalikom ng 188 na pirma upang pormal na sampahan ng kaso ang punong mahistrado--- sapat na upang tuluyang gumulong ang Impeachment Case sa diumano’y kaalyado ng dating pangulo at ngayo’y kongresista Gloria Macapagal-Arroyo. Ilan sa mga matutunog na pagkakasala diumano ng punong mahistrado ay “betrayal of public trust” at “culpable violation of the constitution” at “graft and corruption”.

Maraming alingangas ang naglitawan matapos na pormal na maihain ang kasong Impeachment. Noong ika-26 ng Disyembre ay sumagot si Corona patungkol sa inihaing kaso laban sa kanya. Gayunpaman, kinatigan ng mga kongresista ang kaso dahil ito raw ay pagnanais ng taong-bayan upang patunayan na si Corona ay wala ngang kamalian. Dahil dito, pormal na nagsimula ang pagdinig sa kaso noong ika-16 ng Enero at magpahanggang ngayon ay tinatalakay pa rin ang ilang artikulo na nakasaad sa inihaing kaso.

 

 

Si Chipeco at si Corona

Sa ilang panayam sa mga naghain ng Impeachment laban sa Punong Mahistrado, tanging ang kongresistang si Niel Tupas Jr. lang ang humaharap sa taong-bayan upang ipaliwanag ang mga pangyayari at ilahad ang tunay na saloobin sa kaso. Tunay nga na si Tupas ang pinuno ng grupo ng prosekusyon, ngunit hindi ito sapat upang siya lamang ang tumayo at magpaliwanag ng dahilan kung bakit nila isinampa ang kaso laban sa Punong Mahistrado. Hindi kaya tunay ang alegasyon at alingangas noon na hindi naiintindihan ng mga kongresista ang kanilang pinirmahan para sa pag-usad ng kaso o sadyang may padrino na hindi maaaring kalabanin?

Isa si Justin Marc “Timmy” S.B. Chipeco, kongresista ng ikalawang distrito ng Calamba, sa 188 kongresista na pumirma sa Impeachment Complaint laban sa Punong Mahistrado Renato Corona. Matatandaang ang nasabing kongresista ay tumakbo sa ilalim ng Partido Nacionalista, partidong kaagaw sa pulitika tulad ng Partido Liberal at LAKAS-CMD. Gayunpaman, nang maihalal ito sa puwesto ay walang alinlangang inanyayahan upang pasinayaan ang panunumpa ng mga halal na opisyales ng Lungsod ng Calamba ang nasabing mahistrado.

 

Hindi maitatangging malapit sa pamilya Chipeco ang Punong Manhistrado, lalo na’t ang Punonglungsod ng Calamba ay tumakbo sa ilalim ng LAKAS-CMD na siya namang partido ng ngayo’y kongresista na si Gloria Macapagal-Arroyo, ang siyang nagluklok kay Corona bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Hindi maitatatwa na ang kanilang kaugnayan sa isa’t- isa kung kaya’t misteryo sa ilang mamamayan ng Calamba kung bakit pumirma sa nasabing kaso si Timmy Chipeco. Maraming haka-haka tuloy na naglalabasan kung bakit humantong sa pagkalas at paglihis ng landas ng dalawang personalidad sa pamahalaan.

 

 

Kapalit ng Paninindigan

Sa tila pagbulusok ng isyu patungkol sa kasong kinakaharap ni Corona, bakit hindi mamatay-matay ang usapin hinggil sa tunay na kuwento ng pagkaladkad sa 188 kongresista. Sila nga ba ay pinilit na pumirma, tinakot o buong pusong inaakusahan si Corona? Sa kaso ni Timmy Chipeco, siya ba talaga ay pumirma ayon sa kanyang paninindigan o sa mga pribilehiyong kaakibat ng pagpirma?

 

Maaaring suriin ang anggulong ito sa kung ano ang maaaring kapalit ng pagpirma, o ang tinatawag na “opportunity cost” ng mga ekonomista. Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na “Pork Barrel” ang siyang tinatanggap ng mga kongresista upang punan ang pangangailangan ng distritong kanilang nasasakupan na hindi saklaw ng mga proyekto ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan (maaaring para sa imprastraktura, kalusugan, edukasyon, o kagalingang panlipunan). Gayundin, maaari ring tingnan ang pagiging “mayorya” ng Liberal sa Kongreso na siyang nagpapahilakbot sa loob ng mga kongresista.

Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin naririnig ng mamamayan ang boses ng 188 kongresista sa kani-kanilang mga distrito. Dagdag pa, hindi pa rin nakapaglalabas ng detalyadong paliwanag ang representante ng ikalawang distrito ng Laguna hinggil sa nangyayaring kaso ng impeachment laban kay Corona. Hanggang kalian ba magkikibit-balikat si Timmy Chipeco at ipaglalaban ang kanyang saloobin sa kanyang pagpirma?

 

Kung ang kanyang pananahimik sa isyu ay katumbas ng pag-amin na siya ay nadala ng pangamba sa maaaring gawin ng namumunong administrasyon sa kanya at sa maaari niyang makuha mula rito kasama na ang PDAF, maaaring sabihin na siya ay walang matibay na loob at paninindigan upang tumayo sa kanyang paniniwala. Kung ang kanyang pagpirma ay ay bunga ng “pagkapit sa matatag”, maaaring nakasandal nga siya sa pader na mahirap matibag. Gayunpaman, ang tanging nais ng tao ay ang kanyang paliwanag sa pagkalas niya sa maituturing na kaibigang matalik ng kanilang pamilya.

oath-corona


 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

 

DISCLAIMER

STUDENTS EARLY REGISTRATION, INILUNSAD NG DEPED


Libu-libong estudyante ang dumagsa sa mga pampublikong paaralan ng Lungsod ng Calamba nitong Enero 28 upang magpalista sa papalapit na taong aralan 2012-2013.


Ito ay bahagi ng Expanded Early registration ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa na naglalayong alamin agad ang posibleng dami ng mag-aaral sa susunod na taong aralan.


Dahil dito, maagang matutugunan ng DepEd ang mga kakulangan sa pasilidad, guro, libro at mga upuan. Parte rin ito ng paghahanda para sa K+12 Program ng kasalukuyang administrasyon na nagdadag ng dalawang taon sa basic education.


Kasama rin sa mga maagang nagpalista ang lahat ng incoming Kinder, Grade 1, First Year High School at mga out-of-school youth na mag-e-enroll sa Alternative Learning System.


Ang mga batang ipinanganak mula Oktubre 31, 2007 o mas maaga pa ay maaari nang pumasok bilang Kinder samantalang ang mga ipinanganak mula Oktubre 31, 2006 o mas maaga pa ay dapat nang i-enroll agad sa Grade 1.

Pinaghahanda ng DepEd ang pagkakaroon ng catch up plan sa susunod na tatlong taon dahil sa inaasahang paglobo ng populasyon ng mga mag-aaral.---MATT PALENTINOS

 

logo_deped

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER


DISIPLINA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD: SA PANGUNGUNA NG DISIPLINADONG LIDER


Kauumpisa pa lamang ng taon subalit ipinakita agad ng Sangguniang Panlungsod Presiding Officer at Calamba City Vice Mayor Severino “Binoy” Lajara na kailangan magkaroon ng tamang disiplina sa pagpasok ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP).

Tuwing Lunes, normal na nagsisimula ng tanghali ang legislative session ng SP. Marami nga ang nanonood dito na nangyayari sa Session Hall ng City Hall. Sa pagkakataong iyon kasi halos nakukumpleto palagi ang sampung konsehal at mga ex-officio members ng SP na mula sa Association of Barangay Captains at Sangguniang Kabataan Federation. Naging normal na rin na mula sa parating alas-10 ng umaga na call time ay inaabot ang mga naghihintay ng tanghaling tapat maumpisahan lamang ang sesyon.


Sa pagbabago ng liderato ng Sanggunian noong 2010, inumpisahan rin ng kanilang Presiding Officer na bigyang disiplina at sistema ang takbo ng sesyon. Pormal na ginagawa ni Vice Mayor Lajara ang sesyon, mula sa attendance hanggang sa pag-adjourn. Ang pagkakaiba ngayon ay gumagawa ng paraan ang Vice Mayor kapag mayroong mga hindi mapagkasunduan sa loob ng plenary. Gumagawa siya palagian ng win-win solution upang hindi tumagal ang pagtatalo at debate ng mga miyembro ng Sanggunian. Makikitang pinupuna ng Presiding Officer maging ang tamang pagtaas ng kamay. Naging biruan na nga rin sa sesyon ang pagtaas ng kamay ng ilang mga kalalakihang konsehal bago pumunta sa banyo.


Noong 2011, gumawa ng paraan si Vice Mayor Lajara upang lalong maging mabilis at mabisa ang pag-uusap kapag mayroong sesyon. Nagtakda ang dating Mayor ng isang pre-session caucus bago magsimula ang pormal na sesyon sa publiko. Layunin nito na maipaalam sa lahat ng miyembro ng Sanggunian kung ano ang mga ordinansa at resolusyong tatalakayin. Sa pagkakataong iyon pa lamang ay maaari ng maglabas ng mga sentimyento ang mga may tutol sa isang ordinansa at habang may pagtutol ay hindi muna inihaharap sa public session ang usapin. Pinag-uusapan na rin sa pre-session caucus kung sino ang bibigyang pagkakataong magsalita para sa privilege speech hour. Dalawang konsehal lamang ang binibigyang pagkakataon magkaroon ng privilege speech sa sesyon. Sa pre-session caucus na rin pinag-uusapan kung anong mga dapat i-priyoridad at mga suhestiyon ng iba pang konsehal upang maging mapayapa at mabilis ang mangyayaring sesyon.

Sa pagpasok ng 2012, isang hakbang muli para makita ang tunay na inisyatiba ng mga konsehal ang gagawin ni Vice Mayor Binoy Lajara. Napansin ni Vice Mayor Lajara ang nagagahol na oras tuwing may sesyon. Ito ay dahil sa madalas na late na nakakabuo ng quorum ang Sanggunian. Kailangan ng quorum upang magkaroon ng sesyon. Kailangan lamang makadalo ang kalahati ng kabuuang bilang ng Sanggunian para magkaron ng quorum o anim na konsehal sa isang component city tulad ng Calamba. Itinakda ng SP Presiding Officer na sa ganap na ika-walo at kalahati pa lang ng umaga ay umpisahan na ang sesyon at ang mga mahuhuling konsehal ay bibigyan ng kaukulang mga parusa.

Isa sa dahilang nakikita ay ang pagiging atrasado ng ilang mga committee meeting at iba pang appointment ng mga miyembro ng SP dahil sa masyadong tanghali na ang sesyon. Wala namang ginawang pagtutol ang mga konsehal rito, lalo’t  higit ang mamamayan. Disiplina sa oras ang isa sa mga problema ng mga Pilipino. Nabuo nga ang katagang “Filipino Time” dahil sa pagiging atrasado ng mga oras ng iba’t ibang function at pagdiriwang. Isang malaking igpaw sa kamulatan ng taumbayan kung makikita nilang ang kanilang mga inihalal na konsehal ay pumapasok ng tama sa oras. Mas maaga ang trabaho, mas maaga matatapos.


Siguro nga dahil minsan na ring naging SP Presiding Officer si Vice Mayor Binoy Lajara noong panahon pa ng yumaong Mayor JM Yulo kaya nakita niya kung ano ang mga dapat i-improve sa sistema ng sanggunian. Siya ay matagal ring naging punong ehekutibo ng Calamba kaya nakita niya na kung gaano kabagal dumating sa kanyang mga lamesa ang mga aprubadong ordinansa at resolusyon na priyoridad ng kanyang pamamahala. Mabuti na lang at ngayong nagbalik si Vice Mayor Binoy Lajara sa pagiging SP Presiding Officer ay naipakita niya na dapat magbigay ng disiplina sa trabaho ang bawat isang konsehal. Isa na namang hakbang ito ng mabuting pamamahala. –Matt Palentinos


binoy-lajara


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

BANGKAY NG GURO, NATAGPUAN SA ISANG BANGIN SA CALAMBA, LAGUNA

User Rating: / 2
PoorBest 

 

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa isang bangin sa Brgy. Tulo, Calamba Laguna kagabi.  Ang biktima ay nakilalang si Julieta Dela Cruz, 50, isang guro sa Parañaque na halos kalansay na lang at dalawang linggo na sa nasabing bangin.


Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Joni Ortiz, 41, isang company driver. Ayon sa salaysay ng suspek bandang 10:00 pm noong Enero 17, 2012 ng makisakay sa kanya si Dela Cruz patungo sa kalapit bahay nito sa Paranaque, tinangka niya itong halayin ngunit nanlaban ito kaya sinakal niya gamit ang seatbelt ng sasakyan. Nang mapatay ang biktima bumayahe ito patungo sa Calamba Laguna at doon itinapon ang bangkay.  Samantala, kasalukuyang nasa imbestigasyon ng mga pulis ang bangkay ng biktima.---MJ PEDRAJA

 

logo

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER



More Articles...

Join our mailing list

Calamba.ph Newsletter


Receive HTML?

Hurry!!! advertise now!

Please update your Flash Player to view content.

Tell Your Friends

SocialTwist Tell-a-Friend