Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

MAYOR CHIPECO NAG-VETO SA IPINASANG 2011 CALAMBA TRAFFIC CODE NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

  • PDF


Tinutulan ng Calamba City Mayor ang ilan sa mga probisyon ng ordinansang ipinasa ng Sanggunian Panlungsod para sa makabagong Traffic Code ng Calamba.  Ilan sa mga probisyong kinuwestiyon ay ang pagbibigay ng ordinansa ng kapangyarihan sa Public Order ang Safety Office (POSO) sa paghuli sa mga stalled vehicles, ayon sa veto message ay dapat na ang Barangay Council ang gumawa nito;  At wala umanong sapat na pondo para sa implementasyon ng ordinansa.


Ipinaliwanag ng Komite ng Transportasyon, may akda ng 2011 Calamba Traffic Code, na ang Public Order and Safety Office ang siyang may pananagutan sa koordinasyon at pagsasa-ayos ng traffic and transportation management system ng lungsod, at hindi ang Barangay.


Noong Nobyembre lamang ng nakaraang taon ay nag-veto rin ang Punonglungsod laban sa Anti-Smoking Ordinance na inihain ni Konsehala Hernandez sa dahilang ultra vires umano  o labas sa kapangyarihan ng Sanggunian ang pag-apruba ng naturang ordinansa.


Buo naman ang tiwala ng Komite ng Transportasyon na mailalaban nito na maging ganap na ordinansa ang naturang panukala.  Naniniwala ang komite na kinakailangan ang makabagong traffic code bilang tugon sa ibat-ibang suliranin sa lansangan ng makabagong Calamba.

 

traffic-light


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 14:04