Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

PETISYONG MABUO ANG BARANGAY AGRARIAN REFORM COUNCIL (BARC) SA CANLUBANG, PINABORAN NG KORTE

  • PDF


Naging paborable para sa samahan ng mga Farm Workers ng Canlubang ang naging desisyon ng korte sa petisyon ng mga magsasakang mabuo ang Barangay Agrarian Reform Council sa naturang Barangay.


Matatandaang Mayo ng nakaraang taon ay naging kontrobersiya sa pagitan ng mga magsasaka ng Canlubang at ng Municipal Agrarian Reform Office (MARO) ang isyu ng pagbuo ng BARC.  Inilalaban ng mga magsasaka ang paghahalal ng BARC Chairman upang siyang mamamagitan sa mga problemang agraryo sang-ayon sa Republic Act 9700, samantalang ang MARO naman ay nanindigang hindi maaaring mabuo ang BARC sa Canlubang dahil wala umanong agrarian reform beneficiaries sa lugar.


Batay sa desisyon, makatwiran lamang ang paghahain ng petition for mandamus ng mga magsasaka laban sa MARO.  Nang dahil sa kabiguan na ma-interpret ng DAR ang nakasaad sa Section 19 ng Executive Order 229, ay tumanggi ang MARO na gampanan ang mandato nitong buuin ang mga opisyal ng BARC.  Ayon sa korte, ang kakulangan ng requirements gaya ng kawalan  ng agrarian beneficiaries ay hindi hadlang upang likhain ang BARC.  Kung kaya’t inatasaan ng korte ang MARO na magkaroon ng eleksyon para sa mga opisyales ng BARC ng Canlubang.  Nakasaad din na dahil sa hindi kaagad pagresolba sa kontrobersiyang ito ay nagkaroon ng “usurpation of authority” sa parte ng Barangay Council ng Canlubang na siyang tumayong BARC Chairman.


Ayon sa isa sa mga magsasaka, mahalagang bagay para sa kanila na magkaroon ng BARC Chairman ang Canlubang dahil isa sa mga naging pagkakamali na nangyari ay nang ang Barangay Council ay naglabas ng sertipiko na UNTENANTED o walang tao sa Canlubang.  At ito naman ay ginamit na batayan ng mga malalaking developer upang makakuha ng development permit.  Samantalang ang BARC Chairman ang may karapatang mag-issue ng sertipikong ito at hindi ang Barangay.  Dahil dito ay lalong naging mahirap at masalimuot ang kanilang laban para sa karapatang manirahan sa Canlubang.  Kung magkakaroon ng BARC Chairman ay mapawawalan ng bisa nito ang naturang sertipiko.

 

1canlubang

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 14:07