Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

PANIBAGONG AKUSASYON NG KURAPSYON KINAKAHARAP NG CALAMBA

  • PDF

 

Dalawang buwan matapos na maitampok sa bansa ang ikinararangal ng lokal na pamahalaan ng lungsod na Calamba, ang pagkakatayo ng pinakamataas na bantayog ng pambansang bayaning Dr. Jose Rizal ay isa na namang alegasyon ng kurapsyon ang lumulutang sa pagkakabili ng lokal na pamahalaan sa lupang kinatitirikan ng nasabing bantayog.


Isang anonymous complaint ang inihain sa tanggapan ng Deputy Ombudsman noong ika-30 ng Marso 2011 na inirereklamo ang tungkol sa diumano ay maling pagbili ng tinaguriang LCBA Property sa harapan ng New Calamba City Hall kung saan nakatayo ngayon ang pinakamalaking rebulto ni Gat. Jose Rizal.


Sinasabing iligal daw ang pagbili ng nasabing property dahil hindi raw napatunayan na ito ay nararapat para sa itatayong proyekto rito. Maaari naman daw itayo sa loob ng City Hall ang nasabing bantayog. Nilabag raw ng Sangguniang Panlungsod ang R.A 7160, Article 35 dahil hindi nakalagay sa nilang resolusyon ang terms and conditions ng kontrata sa pagbili ng lupa. Wala raw hininging permiso ang Sangguniang Panlungsod sa Calamba City Development Council dahil hindi raw ito bahagi ng Approved Medium Term Development Plans at sa Priority Projects ng Lungsod na sinasabing paglabag raw sa batas at sa Local Government Code. Agrabyado raw ang lungsod sa pagbili ng lugar dahil pagtatayuan lamang daw ito ng pinakamatayog na bantayog ni Rizal. Dagdag pa sa reklamo na kung sakali raw buhay ang ating pambansang bayani ay siguradong tutol ito rito. Isa lang daw kapritsuhan ng Sanggunian ang ginawang pagtatayo ng rebulto sa bagong biling lupa sa harapan ng City Hall.

Nilabag rin daw ng mga opisyales ng Sanggunian ang kanilang commitment sa publiko batay sa R.A. 6713 at nagkaroon din daw sila ng apglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corruption Practices Act. Sinasabing nagkaroon daw ng kapabayaan ang Sanggunian pagdating sa pag-aaral para bilihin ang naturang lupain.


Sa kabila ng reklamo ay buo naman ang paninindigan ng Sangguniang Panlungsod na wala silang anumang batas na nilabag sa pagbili ng naturang lupain.  Sa katunayan, ang City Planning Development Office na pinamumunuan ni Dennis Lanzanas  ay naglabas na rin ng plano at inilagay pa ito sa harapan ng LCBA Property habang ginagawa ang rebulto kung saan sinasabing ang lugar ay pagtatayuan rin ng isang gymnasium o sports arena at maging ng building ng Calamba City Science High School.


Aside from the statue, other notable infrastructure projects will be located in the complex.  A 20,000 capacity sports complex or coliseum is in the offing, as well as a park and recreational area, a commercial and business center, basement parking, tourism information center and cobbled walkway. (www.calambacity.gov.ph/) 

 

Ang Sanggunian Panlungsod na binubuo ng mga konsehal na may kani-kaniyang komite at pinangungunahan naman ng Presiding Officer na siyang ang Vice Mayor ng lungsod, ay nakatalagang mga lokal na mambabatas.  Ang kanilang tungkulin ay mag-akda ng ordinansa, pagpasa ng resolusyon at mag takda ng mga pondo para sa pangkalahatang ikabubuti ng lungsod.  Malinaw din na nakasaad sa Local Government Code  ang saklaw ng kapangyarihan ng Presiding Officer, na hindi sila maaaring makialam direkta sa paggawa ng mga resolusyon o ordinansa, makakaboto lamang ang Presiding Officer kung mayroong tabla sa isang panukalang batas.  Siya lamang ang gagabay sa takbo ng mga sesyon sa Sanggunian bilang Presiding Officer.


Dahil ang Sangguniang Panlungsod ay gumagawa lamang ng mga resolusyon at mga batas at hindi ang nagpapatupad, ito ang naghihiwalay ng ginagampanang tungkulin ng magkaibang sangay ng estado.  Kinailangan ng pondo para sa proyekto ng Mayor na pagpapagawa ng rebulto ni Gat Rizal, kung kaya’t nag-allocate naman ang Sanggunian sa pamamagitan ng Committee on Appropriation na pinangunguluhan ni Konsehal Moises Morales at  Committee on City Planning, Building & Zoning na pinangunguluhan naman ni Konsehal Jose Morel Manaig.  Ang implementasyon nito matapos na magawaan ng resolusyon ay nasa kamay naman ng Ehekutibo.

Malinaw na nasa kamay pa rin ng executive branch, na pinamumunuan ng pununglunsod o mayor, ang paglalabas ng pondo sa isang proyekto.  Walang saysay ang mga ginagawang ordinansa o batas o resolusyon ng mga nasa legislative branch kung hindi rin naman ito aaprubahan at pipirmahan ng pinuno ng executive branch. May ilang araw lamang na nakalaan upang aprubahan o ipaliwanag kung bakit hindi papayagan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Sanggunian.


Malinaw na nakasaad sa Local Government Code of 1991 o ang R.A. 7160 kung paano nakapaglalabas ng pondo ang isang lungsod o munisipalidad. Hindi makakapaglabas ng anumang pondo ang Pamahalaang Panlungsod nang hindi inaaprubahan ng punong ehekutibo. Samakatuwid, ang punong ehekutibo ng pamahalaan lang ang may kakayahan maglabas ng pondo mula sa kaban ng bayan.

Ang nagagawa lamang ng Sangguniang Panlungsod ay ang appropriation of budget o pagtatalaga kung ano ang pondo ng isang departamento o ahensya ng lokal na pamahalaan. Samantala, ang pununglunsod ang may kakayahan maglabas ng authorization para makapaglabas ng pondo kung dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng isang property.


RULE XXXVI: OTHER FISCAL MATTERS

(k) Certification on, and Approval, of Vouchers

No money shall be disbursed unless the local budget officer certifies to the existence of appropriation that has been legally made for the purpose, the local accountant has obligated said appropriation, and the local treasurer certifies to the availability of funds for the purpose. Vouchers and payrolls shall be certified to and approved by the head of office or department who has administrative control of the fund concerned, as to validity, propriety and legality of the claim involved. Except in cases of disbursement involving regularly recurring administrative expenses such as payrolls for regular or permanent employees, expenses for light, water, telephone and telegraph services, remittances to government creditor agencies such as GSIS, SSS, LBP, DBP, National Printing Office, Procurement Service of the DBM and others, approval of the disbursement voucher by the local chief executive himself shall be required whenever local funds are disbursed.

In case of special or trust funds, disbursements shall be approved by the administrator of the fund.

In case of temporary absence or incapacity of the office or department head, the officer next-in-rank shall automatically perform his function and he shall be fully responsible therefor.

 

Sinulat ng mismong alkalde natin na si Mayor Joaquin Chipeco Jr., sa artikulong “Our Gift, His Legacy” na nasa Calamba City website, ang dinaanang proseso ng pagtatayo sa pinakamalaking rebulto ni Rizal. Siya mismo ang nagsabi na siya ang may gusto na ipatayo ang rebulto at maaaring iwan niya ito bilang isang kontribusyon sa mamamayan ng bansa. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na ipinabago pa niya ang taas ng monumento nang mabalitaan niya na mahigit dalawang pulgada ang taas ng monumento ni Rizal sa Nueva Vizcaya. Maging ang paghingi ng pondo sa national government at sa ilang pribadong indibidwal ay binanggit niya sa nasabing lathalain. Kaya masasabi natin na ang pagtatayo ng monumneto ay proyekto mismo at ginusto ng ating pununglunsod kaya hindi dapat basta batikusin lamang ang mga nasa Sangguniang Panlungsod, kundi ang buong Pamahalaang Panlungsod.

“What would I give to someone who already has everything as he celebrates a milestone birthday?  What will be a fitting tribute to a great man who sacrificed all for his country, a man is not only revered in his hometown but in different places around the globe?

These questions entered my mind in the middle of June 2010 as the Rizal@150 Executive Committee began to meet in what would be a series of weekly meetings in preparation for Dr. Jose Rizal’s Sesquicentennial Birth Celebration in 2011.  Several monthly activities were lined up for the yearlong celebration, all in commemoration of the hero’s venerable life and remarkable works but there seemed to be something missing.  I envisioned something more tangible, something befitting Rizal’s stature as our National Hero and the last Renaissance man to walk this earth.  It should be something that our future generations would see as a testament of their elders’ reverence to our greatest.

These thoughts kept playing over and over in my head, caused some sleepless nights and led me to ask the opinion of several trusted friends.  Then seemingly out of nowhere, like an unexpected bolt of lightning, it came…why not build a monument of Rizal and make it the tallest in the world?”

-Mayor Joaquin Chipeco Jr.

Kung lehitimo man ang reklamo at makabuo ng kaso rito ang Ombudsman, hindi dapat matuon sa ilang opisyal lamang kundi sa buong Pamahalaang Panlungsod ng Calamba dapat, kabilang ang mga tauhan ng CPDO, Budget, Treasury, Accounting, Sangguniang Panlungsod at maging ang Mayor mismo. Kailangang timbangin ang reklamo kung tunay bang may bigat ito. Dapat malaman kung ano ang tunay na pinagdaanan nang pagbili ng lupain at kung ano ba talaga ang plano para rito. Kailangan dumaan sa mahabang sagutan ang letter complaint upang mapatunayan kung sino ang tunay na may pagkukulang. (Pinpin Tolentino)


complex


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER



Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 08:26