Click to Read Related Stories Here
| Isang mabuting development sa isyu ng 26M Scam sa Calamba ang paglabas ng suspension order mula sa Tanggapan ng Ombudsman para sa tatlong hepe ng departamento ng Treasury, Accounting at Budget, kabilang ang ilang mga kawaning sangkot sa nasabing katiwalian. Matapos ang mahigit isang taon mula sa pagkaka bulgar ng nakawang naganap na loob ng lokal na pamahalaan ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kahihinatnan ng kasong ito. Sa pamamagitan ng program sa radyong SANDIGAN CALAMBENYO ay isang panayam sa isa sa mga pangunahing nagtataguyod na mabigyang katarungan ang naganap na nakawan ng pondo ng bayan na si Dr. Severino Vergara. Nagsampa noong nakaraang taon ang grupo ni Dr. Vergara ng kaso laban kay Mayor Chipeco, dating Vice Mayor Oruga, Treasury Department Head Liberty Toledo, Accounting Department Head Carminia Espiridion, Budget Department Head, Glo Dongalo, Rodelio Aruta at Irenea Molina na pawang direktang sangkot sa naturang kontrobersiya. Layon ng panayam na mabigyang linaw sa mata ng publiko ang mga mahahalagang puntos sa isyung ito at ng sa gayon ay matiyak na patas na hinahawakan ng mga kinauukulan ang pagresolba dito. |
Isyu#1: Implementasyon ng suspension order
Noong ika-8 ng Hulyo ay nabalitang lumabas na ang naturang order mula sa Ombudsman at ang DILG ang ahensyang inatasang magpapatupad ng pagsususpindi kina Treasury Department Head Liberty Toledo, Accounting Department Head Carminia Espiridion, Budget Department Head, Glo Dongalo, Rodelio Aruta at Irenea Molina. Subalit mag pa hanggang ngayon ay hindi pa naibababa ang suspensyon. Ito rin ang ipinagtataka ni Dr. Vergara dahil aniya ay binigyan lamang ng Ombudsman ng limang araw ang DILG, na ito ay ipatupad notwithstanding kung mayroon mang motion for reconsideration. Ipinaliwanag ni Vergara na ito ay marahil sa bagal ng daloy ng komunikasyon sa mga tanggapan, na kung saan ang isang dokumento ay bago ma proseso ay napakatagal. Inihalimbawa nito ang siyang nangyari sa suspension order, na napirmahan ni Acting Director Rolando Zoleta noon pang December 9, 2010. Nagresign naman si dating Ombudsman Gutierrez noong May 6, 2010, na dagdag pa ni Vergara na diumano ay walang ginawang aksyon sa kaso. Nang ito ay magresign(Guiterrez) ay kaagad namang nilagdaan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro ang rekomendasyon ni Zoleta na suspensyon at May 29 naman ito ipinadala sa kaniyang abugado.

Isyu#2: Ano ang nilalaman ng suspension order Nilinaw ni Dr. Vergara na ang order ay preventive suspension ng anim na buwan na walang suweldo para sa kasong Dishonesty/Grave Misconduct, na ang layon nito ay upang protektahan ang ebidensya dahil maaaring kung sila ay manatili sa loob ng opisina ay maari nilang sirain ang mga records halimbawa o sunugin ang mga mahahalagang dokumento. |
Dr. Severino Vergara |
Mayor Chipeco |
Isyu#3: Ang hindi pagkakabilang nina Mayor Chipeco at dating Vice Mayor Oruga sa suspension order
Isinalaysay ni Dr. Vergara na ayon sa order ng Ombudsman ay Moot and Academic ang kasong administratibo para kina Chipeco at Oruga. Ito ay dahil tapos na kanilang termino katulad ng hatol ng Korte Suprema sa kasong Malinao VS Reyes na nagsasaad na “the administrative sanction for the offense charged cannot exceed the unexpired term of his (elective official) office xxx. At al events, this case is now moot and academic as a result of the expiration of the respondent’s term during which the act complained of was allegedly committed”.
Magkagayon man ay naniniwala si Vergara na ito ay hindi ordinaryong administrative case. Ani Vergara, naniniwala ang Ombudsman na mayroong strong evidence of guilt ang mga suspendido tulad ni Treasurer Toledo, at dahil dito naniniwala rin siya (Vergara) na may strong evidence of guilt din ang Mayor na batay sa Rule No. 3 Section 9 of Administrative Order No. 07 of the Rules of Procedure of the Office of the Ombudsman as amended...THE RESPONDENT IN THE CASE PENDING BEFORE THIS OFFICE MAY BE PREVENTIVELY SUSPENDED WITHOUT PAY IF IN THE JUDGEMENT OF THE OMBUDSMAN THE EVIDENCE OF GUILT IS STRONG AND THE CHARGE AGAINST SUCH OFFICER OR EMPLOYEE INVOLVED DISHONESTY OR MISCONDUCT ,OPPRESSION, OR GROSS NEGLECT IN THE PERFORMANCE OF DUTY OR THE CHARGE WOULD WARRANT REMOVAL FROM SERVICE OR RESPONDENT’S CONTINUED STAY IN OFFICE MAY PREJUDICE THE JUST, FAIR AND INDEPENDENT DISPOSITION OF THE CASE FILED...GUIDED BY THE AFORESAID RULE, IT APPEARS THAT ALL THE NECESSARY CONDITIONS THAT WOULD JUSTIFY THE GROUND OF PREVENTIVE SUSPENSION ARE OBTAINING IN THE INSTANT CASE. THE PIECES OF DOCUMENTARY EVIDENCE PROFFERED BY THE COMPLAINANTS SHOW THAT HEREIN RESPONDENT’S GUILT IS STRONG.
Inihalimbawa rin ni Vergara ang nangyari kay Caloocan Mayor Echiveri na hindi naman criminal case ay nasuspindi, lalo’t naniniwala ito(Vergara) na mayroon pang ibang mga isyung dapat sagutin sa mga mamamayan ng Calamba si Mayor Chipeco.
Idinagdag pa ni Vergara na ikatuwa nito ang desisyon ng Ombudsman dahil sa order ay hindi na binabanggit na “alleged missing checks” at hindi binigyan ng bigat ang findings ng NBI na sumasang-ayon sa depensa ng mayor na pineke ang kaniyang lagda sa mga maanomalyang cheke.
Isyu#4 Ano ang susunod na hakbang
Ayon kay Dr. Vergara ay mayroon pa itong mga kontrobersiyang natuklasan na mas matindi kaysa sa 26M Scam na kung saan sangkot muli ang ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Calamba.
Sa huli ay nanawagan si Vergara sa mga Calambenyo na magkaroon bukas na kaisipan at maging mapagbantay sa mga katiwalian sa loob ng pamahalaan.*****

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 05:28