Patay ang isang binata matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng tatlong kalalakihan sa Barangay Oriquel sa bayan ng Majayjay, Laguna kamakalawa bandang 6:40 ng gabi. Ang biktima ay nakilalang si Leonel Urriza. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nakasalubong ni Urriza at ng kaniyang pinsan ang mga suspek na sina Luis Arsolacia, 31; Arnold Arsolacia at Allan Ordonez. Kinompronta ng mga suspek si Urizza kaugnay sa panliligaw nito sa babaeng nililigawan ni Luis. Pinagtulungang gulpihin umano ng tatlo si Urriza at sunod sunod na pinagsasaksak na nauwi sa pagkamatay nito. Samantala, nakatakbo ang pinsan ng biktima.
Sa kasalukuyan ay nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina sina Luis at Arnold ngunit nakatakas si Ordonez.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph