Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BATANG CALAMBEÑO KINILALA BILANG UP OBLATION SCHOLAR

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


“Walang mahirap kung nakapagreview ka ng maayos at sa tulong ni God, everything that is impossible can be possible!”

 

Isang batang Calambeño ang nagpakita ng galing at talino sa pagiging isa sa top 50 ng mga nakapasa sa University of the Philippines College Admission Test o UPCAT Entrance Examination sa buong PIlipinas at kikilalanin bilang UP Oblation Scholar sa taunang 2012-2013.


Ang UPCAT ay isa sa kinikilala at inaabangan ng mga mag-aral sa hayskul dahil ito ang paraan upang makapasok ang mga mag-aaral na magkokolehiyo sa isang prestihiyosong pamantasan katulad ng UP.


Sa halos 72, 000 na kumuha ng UPCAT, nakapasa si Leonard Javier, 16 na taong gulang at nag-aaral sa Calamba Institute sa UPCAT at kinilala bilang isang UP Oblation Scholar dahil nga sa pagkakapasok nito sa top 50 ng UPCAT. Siya ay taga-Makiling lunsod ng Calamba at pangwalo sa sampung magkakapatid. Siya rin ay running for Valedictorian.


“Hindi ko talaga ineexpect na makapasok sa top 50, ang dinasal ko lang ay makapasa sa UPCAT dahil UP talaga ang pangarap kong pasukang iskul sa college. Kaya tuwang tuwa ako ng malaman kong na pasok ako sa top 50...” aniya.


Ang UP oblation scholar ay isang benepisyong ibinibigay sa mga mag-aaral na makakapasa sa UPCAT at makakapasok sa top 50. Magkakamit ng libreng pag-aral sa UP ang sinomang makakapasok sa top 50. Makakatanggap ng buwanang tatlong libong pisong allowance at dalawang libo at dalawang daang piso para naman sa book allowance. Ang tangi lamang babayarang ng isang oblation scholar ay student fee na nagkakahalaga sa 45 piso.


Nakapasa Si Leonard sa kursong BS Biology sa UP Manila. Naipasa rin niya ang Intermed na kung saan ang sampung pag-aaral ng medisina ay bababa sa pitong taon.

“Gusto ko talaga ng medicine kasi yan din ang gusto ng ate ko. Saka gusto kong makatulong sa iba, sa nangangailangan…. nais kong magpatayo ng sariling clinic sa aming barangay….Gusto ko ring maging journalist pero mas gusto ko na hindi lang ako nagbabalita ng mga tulong sa kapwa gusto ko ako ang gagawa para sa kapwa ko..” turan ni Javier.


Sa ngayon, pinagsusumikapan pa rin ni Javier na maabot ang kanyang mga pangarap lalong lalo na ang makatapos sa pag-aaral. Aniya, ginagawa n’ya ang lahat hindi lang para sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya.---SAMMY GRUBANZO

 

lblogo

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 10:24