FAMY LAGUNA--- Tadtad ng tama ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang kilalang negosyante sa Sta. Maria, Laguna na si Juan Gatdula 48 anyos, at ang body guard nitong si Timoteo Maala, 56 anyos, matapos tambangan ng mga di pa nakikilalang mga suspect sa Manila East Road Brgy. Batuhan, Famy Laguna.
Ayon kay Police Inspector Gerry Sanggalang, hepe ng Famy Police, pasado alas sais ng umaga galing ng Sta. Maria, nagbibisikleta ang negosyanteng si Gatdula kasama ang iba pa habang sakay naman ng motorsiklo ang body guard nito ng basta na lamang paputukan ng mga nagaabang na suspect sa lugar. Sa dami ng tama ng baril dead on the spot kaagad ang mga biktima habang nagpulasan naman ang mga kasama nilang nagbibisikleta na nagulat sa pangyayari.
na-recover sa crime scene ang pitong basyo ng kalibre .45 baril, ang baril ng body guard na hindi na nagawang iputok at ang iba pang gamit ng negosyante tulad ng cellphone at wallet nito. sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari upang matugis ang mga suspect na mabilis ding naglaho sakay ng motorsiklo- CJ ALCANTARA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph