Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ISANG MAGTATAHO PINATAY NG KAPWA MAGTATAHO

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

 

San Pedro Laguna--- Patay ang magtatahong si Salvador Lagrosa, 38 anyos, matapos siyang saksakin ng itak sa tagiliran ng kaniyang kapwa magtataho na si Antonio Kamiki, 48 anyos na tubong tacloban, kaninang alas dyes ng umaga sa Zone 6 Magsaysay Road, Southridge, Brgy. San Antonio San Pedro Laguna.

 

Napag-alaman na isang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa pagbabawal umano ng biktima sa suspect na magtinda ito ng taho sa nasasakupan niyang lugar. Ayon sa asawa ng suspect na si "Dada" hindi raw nakakalimutan ng kaniyang mister ang pagbabanta sa buhay nito nang sila ay magtalo.


Ayon pa sa asawa ng suspect, nagsisibak daw ng kahoy ang kaniyang asawa nang marinig niya ang tinig ng biktima na sumisigaw ng “taho” ng dumadaan ito sa kanilang lugar nang bigla daw tumayo ang kaniyang asawa bitbit ang itak nito at ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng ingay. Nagawa pa daw makatakbo ng biktima ng ilang metro patungo sa tabi ng ilog subalit hinabol pa rin ito ng suspect, at ng tiyempong tatagain pa ay biglang sumigaw ang mga kapitbahay nitong nakakita. Dahil ditto mabilis daw umalis ang suspect at tumakas

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima na agad ding binawian ng buhay na nakasubsob sa sagingan. Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng san pedro pulis laban sa suspect na si Antonio alyas "Blondie" na mabilis na tumakas matapos ang ginawa nitong krimen- CJ ALCANTARA

 



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER