Nabuhay muli ang panawagang gumamit na lamang ng bolo ang mga pulis matapos lumabas sa isang report ang malaking kakulangan sa baril ng Philippine National Police (PNP).
Inihayag ni Deputy Director General Benjamin Belarmino, PNP deputy chief for administration sa isang press conference ang masamang shooting skills at kakulangan ng pondo sa pagbili ng mga kagamitan ng pulisya.
Orihinal na suhestiyon ang paggamit ng bolo ng mga pulis ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando. Ayon sa PNP, tatlumpu’t limang porsyento ng lahat ng mga pulis ay walang baril. Ang ilan pang pulis ay kalibre .38 revolver lang ang ginagamit.
Pinuna naman ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang masamang shooting skills ng mga pulis. Mungkahi niya na magkaroon ng isang programa para ma-improve ang pagbaril ng mga pulis.
Hiningi naman ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, dating hepe ng PNP, na maglabas ang Kamara ng supplemental budget sa lumalalang problema ng peace and order.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph