Pagtutol agad ang isinigaw ng mga users ng social networking site na Twitter sa plano nitong magkaroon ng country-specific censorchip.
Paboritong gamitin ng mga artista, pulitiko, kabataan at maging ng mga kabataan ang 140-character tweeting web mechanic na ito kaya maraming umayaw sa plano ng Twitter tungkol sa censorship.
Ang twitter censorship plan ay naglalayong i-block ang ilang mga “inappropriate” tweets na bawal sa mga lokal na batas o ordinansa ng isang bansa.
Nag-tweet rin ang ilang kilalang personalidad sa mundo tulad ni Ai Weiwei ng Tsina. Ayon sa kanya, “If twitter censors, I’ll stop tweeting.”
Sa Pilipinas, tutol rin ang ilang active online users at grupo sa planong ito ng giant social networking site dahil ito ay lalaban sa pagpapahayag ng sarili.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph