January 30, 2012/San Pedro, Laguna—Nagsagawa ng raid ang mga operatiba ng San Pedro MPS sa San Pedro Town Center sa Barangay San Antonio, San Pedro Laguna.
Kumpiskado ang nasa 2000 piraso ng mga piniratang DVD/CD na tinatayang may halagang 80,000 piso mula sa ilang mga stalls sa naturang mall, na pagmamay-ari umano nina Cielomumar of CataquizSubd., Brgy San Roque, San Pedro, Laguna, Ayfa Hamid residente ng Adelina 1, Brgy San Antonio, San Pedro, Laguna at AdiFiras ng Adelina 1, Brgy San Antonio, San Pedro, Laguna. Nagawang makatakas ng tatlo mula sa kamay ng mga awtoridad. Kasong Violation of RA 9239 o Optical Media Act of 2003 ang kakaharapin ng mga akusado.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph