LALAKE SA STAROSA PINAGSASAKSAK NG DAHIL LAMANG SA YERO, PATAY
- Tuesday, 17 January 2012
STA.ROSA LAGUNA---Agad na binawian ng buhay ang biktimang si Richard de Lama matapos pagsasaksakin ng kaniyang kapitbahay na si Olivio Dador 38 anyos at parehong caretaker sa isang abandonadong establisimyento sa Brgy Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa Laguna.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Sta. Rosa, nagtatalo umano ang dalawa dahil sa yero na gustong ibenta ng suspek na ayaw payagan ng biktima. Dahil dito ay agad na inundayan umano ng saksak ni Olivio si Richard gamit ang kaniyang balisong. Ayon kay Mac-mac, 11 anyos anak ng biktima na nakakita sa pangyayari nagawa pa raw makalaban ng kaniyang tatay dahil may dala rin itong balisong.
Nakatakas ang suspek ng dumating ang mga pulis, subalit nasakote din ito sa isang ospital na nagpapagamot dahil sa tinamo din nitong sugat.
Kasong murder ang kakaharapin ng supek na si Olivio matapos itong lumabas sa ospital --CJ ALCANTARA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




