Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

CALABARZON NEWS: PRESO NAGPAKAMATAY SA LOOB NG SELDA, NEGOSYANTE PINAGBABARIL, PATAY

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

KARAHASAN SA CAVITE, DALAWA PATAY

Cavite- Dalawang magkahiwalay na karahasan na nauwi sa kamatayan ang naganap sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Ayon sa imbestigasyon pinalo sa ulo ng tubo si Jose Rodney Sian, 37, ng North Ville Green Valley ng kanyang kapitbahay na si Tomas Acaller, 35, sa Barangay San Nicolas 3. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Las Pinas District Hospital. Napagalamang may lihim na galit ang suspek sa biktima kaya isinagawa ang pamamaslang. Samantala, si Morris Gabin, 18, ay binaril at napatay na si Michael Bombaes sa bahagi ng Barangay Pulido Extension sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi. Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.

 


NEGOSYANTE PINAGBABARIL, PATAY

Cavite- Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen kamakalawa ng gabi sa Barangay Mambog 1 sa bayn ng Bacoor, Cavite. Dinala si Allan Alza, 47, sa Imus Medical Center at doon idineklarang patay ang biktima. Ayon sa imbestigasyon nakikipag-usap ang biktima sa dalawang hindi kilalang lalaki sa harap ng autoshop nang ratratin ng mga suspek bangdang 11;40 ng gabi. Inaalam pa ng mga pulisya ang anggulong negosyo ang dahilan ng pamamaslang.

 


PRESO NAGPAKAMATAY SA LOOB NG SELDA

Quezon- Nagpakamatay sa loob ng kulungan ang 35 anyos na biyudo na kinikilalang pangunahing suspek sa pagpatay sa nililigawang babae kahapon ng madaling araw sa Calauag, Quezon.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng routinary inspection ang ilang bantay bilibid sa kulungang bayan bandang 12:55 ng madaling araw nang namataang nakabitin sa loob ng selda si Anacleto Train.

Si Train ang sinasabing suspek sa pananaksak at pagpatay sa kanyang nililigawan na si Ruby Sta. Ana, 29, noong Sabado (Dec. 31) sa  Barangay Pinagkamaligan.

Samantala, agad namang naaresto si Train kung saan nakulong at nagbigti.


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER