HUMAN RIGHTS WEEK SINABAYAN NG KILOS PROTESTA
- Thursday, 22 December 2011
Sa pagdiriwang ng Human Rights Week sinabayan naman ito ng isang linggong kilos protesta ng grupong KARAPATAN- Southern Tagalong Region, na nagmula pa sa Quezon Province. Sa ika limang araw ng kanilang protesta ay naglunsad sila ng isang Cultural Caravan sa Lungsod ng Calamba, upang ihayag ang isyu ng mga umano ay pag-abuso ng kasalukuyang administrasyon sa karapatang pantao ng mga Pilipino.
Ayon kay Glenn Malabanan Deputy Secretary General ng KARAPATAN, mula sa lalawigan ng Quezon ay lilibutin nila ang buong CALABARZON upang ipakita sa mga mamayan kung ano na ang kalagayan ng karapatang pantao sa Timog Katagalugan.---CJ ALCANTARA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




