GANDINGAN 2012 TUTUNOG NA!
- Tuesday, 20 December 2011
Malapit na ngang dumagundong at umugong ang tunog ng Gandingan sa darating na bagong taon. Sa ika- 28 ng Enero 2010, muli na namang paparangalan ang mga respetado at magagaling na mamamahayag at brodkaster sa buong Pilipinas. Mabibigyan din ng pagkilala ang mga programa sa radyo at telebisyon. Ito ay sa papalapit na paggagawad ng Gandingan 2012: The 6th UPLB Isko’t Iskas’ Broadcast Choice Award.
Ang Gandingan 2012 isa sa mga kinikilalang award giving body hindi lang sa University of the Philippines Los Baños kundi maging sa mundo ng pagbabalita at pamamahayag sa buong bansa. Isa ito sa nagbibigay ng pagkilala sa galing at husay ng mga brodkaster lalong lalo na ang pangkaunlarang pagtalakay nila sa kani-kanilang programa. Ito ay pinangungunahan ng UP Community Broadcaster Scoiety (UPCBS) sa pakikipagtulungan sa Department of Development Broadcasting and Telecommunications ng College of Development Communication.
Nilalayon ng programa na palakasin at pagyabungin pa ang mundo ng pagbabalita at pamamahayag at mas maipamalas ang ‘di matitinag na kredibilidad, wastong pagbabalita at tumatalakay sa pangkaunlarang aspeto ng pagbabalita.
Ayon kay Linus Van Plata, Chief Anchor ng UPCBS, ang Gandingan 2012 ay isang magandang paraan upang mas mabigyan pa ng inspirasyon ang iba’t-ibang istasyon na magpalabas ng mga kaaya-aya at makabuluhang palabas na kapupulutan ng aral ng mga manonood. Ito rin ay magiging isang pundasyon ng pag-angat ng mundo ng pagbabalita at pamamahayag.
Pinaghahandaang mabuti ng UPBCBS ang nasabing gawad parangal dahil ito ay dinadaluhan ng iba’t-ibang personalidad sa pagbabalita at pamamahayag kagaya nila Boy Abunda, Mike Enriquez, Mel Tinagco, Ted Failon, Korina Sanchez, Iya Villania, Kim Atienza at marami pang iba. Ang gawad parangal ay gaganapin sa DL Umali Hall ng UPLB sa ganap ng ika-alas siete ng gabi.----S. GRUBANZO
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




