2 REBELDENG NPA, NADAKIP
- Tuesday, 13 December 2011
Catanauan, Quezon--- Nadakip ang isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army at ang security escort nito sa pinagsamang puwersa ng militar at pulisya sa kahabaan ng Sitio Maitim, Barangay Matandang sa bayan ng Sabang Silangan, Quezon noong Biyernes ng hapon Disyembre 9.
Ayon sa Army’s regional command na si Lt. Col. Gene¬roso Bolina, ang dalawang rebelde na nahuli ay nakilala na sina Philip Enteria alyas Jerome/Bruce/Sherwin, 34, ng Brgy. Gaya-Gayaan, Gumaca, Quezon at Jerson Sambola na may alyas na Dondon/CJ, 32, ng Barangay Bayanihan, San Nicolas, Quezon.
Si Philip ay platoon leader ng Amlay (formerly Gerilya Front (GF)-42 at vice commander ng NPA-Komiteng Probinsya ng Quezon habang si Jerson ay kasapi ng grupong NPA sa Bondoc Peninsula.
Nadakip ang dalawa na lulan ng motorsiklo sa checkpoint matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaya inilunsad ang operasyon ng mga tauhan ng Quezon Police Provincial Safety Company ni P/Chief Inspector Allen Rae Co at mga barangay tanod sa Sitio Daniwdiw Brgy. Cambuga, Mulanay.Nakuha sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol na may mga magazine, 2 granada at ang ninakaw na motorsiklo na pag-aari ni Armando Lumpao. Samantala, si alyas Jerome ay may dalawang nang warrant of arrest na inisyu ng Gumaca RegionalTrial Court Branch 61, sa mga kasong murder at frustrated murder.---MJ PEDRAJA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




