PUERTO PRINCESA UNDERGROUND RIVER KABILANG SA NEW 7 WONDERS OF NATURE
- Monday, 12 December 2011
Gayon na lamang ang pasasalamat at kasiyahan ng mga lokal na opisyales at residente ng Puerto Princesa matapos makabilang at magwagi ang Underground River sa New Seven Wonders of Nature.
Ayon kay Vice Mayor Lucilo Bayron, ng marinig ang balita ay sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagpapaputok sa 35 urban barangays ng lungsod. Sinundan ng misa sa lahat ng simbahan bilang pasasalamat sa nakamit na tagumpay di lang ng Puerto Princesa maging ng buong sambayanang Pilipino.
Pagkatapos ng misa, nagkaroon din ng Unity March mula sa Immaculate Concepcion Cathedral hanggang sa Puerto Princesa City Coliseum, nilahukan ito ng lahat ng lokal at barangay officials, sector ng mga kabataan, grupo ng militar, mga mag-aaral at mga kinatawan ng Philippine National Police at ng Ahensiya ng Pamahalaang Pambansa. Mahigit 5,000 Puerto Princesans ang dumalo sa maikling selebrasyon ginanap sa City Colliseum.
Samantala, si Mayor Edward Hagedorn na kasalukuyang nasa Maynila ng panahong iyon ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa lahat sa pamamagitan ng mensahe na inihatid ni Bayron; pasasalamat sa aktibong suporta ng lahat sa panahon ng kampanya.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




